Psychology facts (Part 2)
• Ang amoy ng lavender, vanilla, doughnut at pumpkin pie ay nakakapagpa-turn on sa mga lalaking Amerikano.
• Noong 2009, naitala sa survey na mas malaking kumita ang mga Amerikanong may bigote kaysa walang bigote.
• Ayon kay Allan Pease, Australyanong eksperto sa body language, para makumbinse mo ang iyong kausap, tumangu-tango ka habang nagpapaliwanag. Nakakatulong ito para magkaroon ng “positive feeling” ang iyong kausap sa mga sinasabi mo. Bukod sa hikab, ang pagtango ay nakakahawa rin.
• Kung gusto ng isang lalaki na magmukhang sexually experienced, dapat magpa-tattoo.
• Kung gusto mong ma-in love sa iyo ang isang tao, tingnan mo ang kanyang mga mata.
• Kapag ang ka-date mong babae ay hindi mo pa girlfriend at ganito ang reaksiyon habang nagkukuwentuhan kayo: Nilalaro ang dulo ng kanyang buhok o hinihimas ang kanyang jewelries habang kayo ay magkausap, ito ay senyales na type ka niya.
• Kailangan ng 66 na araw upang maging daily habit ang isang bagay na palagi mong ginagawa.
• Ang masamang karanasan ng isang tao sa mga pulis/sundalo ay kahalintulad ng epekto na ikaw ay nagkaroon ng traumatic brain injury.
(Itutuloy)
- Latest