^

Punto Mo

Presyo ng bilihin ­nagtaasan, mga Pinoy umaaray!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Ang presyo ng kamatis sa palengke ay P200 at ang chili naman ay P800. Natural lang na ang presyo ng iba’t ibang gulay ay magtataasan din. Hindi pa mga ulam ‘yan kundi sangkap lang. Parte naman sa isda, baboy, karne at manok, matic na susunod sa agos ang mga ‘yan. Mabuti na lang at ang staple food ng mga Pinoy na bigas, ay may price ceiling na P41 at P45 ang isang kilo.

Sa biglang tingin, mababa ang presyo ng bigas subalit nahihirapan pa rin ang mga mahihirap na Pinoy na abutin ito. Get’s n’yo mga kosa? Hayyyyy, anyare sa Pinas President Bongbong Marcos Sir? Sal-it!

Labing-isang linggong sunud-sunod na tumataas ang presyo ng gasolina at inaamin naman ng mga alipores ni BBM na wala pang liwanag na hihinto ito kahit taglamig na ang panahon. Ayon sa DTI, baka abutin pa ng Disyembre bago mag-stabilize ang presyo ng gasolina, dahil sa mga pangyayari sa ibang panig ng mundo.

Dahil sa mahal na gasolina, halos lahat ng pangangailangan ng mga Pinoy, tulad ng pagkain at iba pa ay matic na magtataasan din. Iindahin nang maigi ng mga Pinoy ang sitwasyon na ito, di ba mga kosa? Hehehe! Kahit middle class na mga Pinoy, umaaray na eh! Dipugaaaaa!

Ang tanong sa ngayon, saan kukuha ang mga Pinoy, lalo na ang taga-Metro Manila, ng kanilang pantustos sa pang-araw-araw nilang pagkain? Magandang tanong ah, di ba mga kosa? Kasi nga, kahit anong pagmamakaawa pa ng mga ordinary workers, hindi papayag ang mga negosyante na itaas ang suweldo nila.

Hindi lang ‘yan! Ang mga tsuper naman ng pampublikong sasakyan ay hihirit din ng pagtaas ng pamasahe. ‘Ika nga, kapag tumaas ang gasolina, matic na magsunuran ang iba’t ibang sector ng lipunan. Araguuyyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa ngayon, mukhang walang win-win solution ang gobyerno ni BBM sa nagtaasang na mga presyo ng bilihin. Nag-iiyakan na ang mga mahihirap sa Metro Manila lalo na ang mga kubrador ng sugal lupa, dahil paubos na ang konting ipon nila. Maliban sa pagkain, problema pa nila ang bayarin sa eskuwelahan ng kanilang mga estudyante. Eh nagsarahan pa ang sugal-lupa dahil sa “no take policy” ni NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Araguuyyyyy! Hehehe! Sal-it!

Ang tanong ngayon ng mga matatandang kubrador, bakit sila pinahihirapan ni Nartatez? Kasi nga, sa Metro Manila lang magulo ang tabakuhan at sa ibang lugar naman ay naglilipana ang sugal lupa, tulad ng sa Calabarzon area ni Brig. Gen. Carlito Gaces, na inaanak ni BBM sa kasal. Kung sa buong Pinas sana sarado ang sugal lupa, naintindihan naman nila. Ano kaya ang galit sa kanila ni Nartatez? ‘Yan pa ang tanong ng Metro Manilan’s. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Alam n’yo naman mga kosa na ang Metro Manila ay masasabing opposition bailiwick. Subalit ng nakaraang national elections, nilampaso ni BBM ang kanyang mga kalaban, maging sa Maynila kung saan aktibo pang mayor si Isko Moreno.  Accomplishment na ‘yun, di ba mga kosa kong 31 milyon na mga Pinoy? Mismooooo! Eh karamihan sa supporters ni BBM ay mahihirap at umaasa lang sa sugal lupa. Anyare, Pinas? Tsk tsk tsk!

Maraming katanungan na si Nartatez lang at ang mga FBI na tumutulak sa kanya na maging hepe ng PNP ang may kasagutan.

Abangan!

PRESYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with