^

Punto Mo

Handa ba tayo sa kalamidad at delubyo?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

TINALAKAY noong 2019 sa United Nations World Leader Assembly na sa loob ng 11 taon, delubyo ang daranasin ng buong mundo dahil sa climate change at global warming. Pitong taon na lang.

Baha, tsunami, lindol at pagsabog ng mga bulkan ­saanmang sulok ng mundo ang laman ng balita ngayon.

Ang usok mula sa factories at mga sasakyan, dumi ng tao at hayop at fertilizers ang mga pangunahing contributors ng global warming na sanhi rin ng pagkatuyo ng mga ilog sa buong mundo.

Sa sobrang dami ng tao ay nakonsumo na ang espasyo ng pataniman ng pagkain at kabundukan na pinagmumulan ng inuming tubig. Dumami rin ang mapaminsalang mining co­mpanies. Kasosyo raw sina Cong at Sen?

Mayaman sa kalikasan ang Pilipinas pero salat tayo sa pamunuan na may adhikain para sa ikauunlad ng agrikultura at likas na yaman.

Likas na pagpapayaman kasi ang inuuna.

Puro satsat, yabang at pambabarubal ang napapanood sa Kongreso at Senado na puno’t dulo ay usaping pondo at porsiyento sa proyekto. ‘Yan ang dorobo delubyo!

Galit na galit ang mga congressmen at senators sa resource persons na sinungaling kaya ipinakukulong nila. Hindi kasi sinungaling sina Cong at Sen! Ha-ha-ha!

CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with