^

Punto Mo

Liderato ni Gov. ­Fernando, tungo sa progreso ng Bulacan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Dadagsa ang negosyo at trabaho sa probinsiya ng Bulacan kapag naitayo na ang Manila International Airport sa San Jose del Monte City. Ang proyekto na ito ng San Miguel Corporation ay masasabi kong “feather’s in the cap” sa liderato ni Bulacan Gov. Daniel Fernando. Kapag naging operational na itong airport, at magiging “Urbanized” City na itong San Jose del Monte, siyempre hahatakin nito paitaas ang kalapit lugar sa progreso. Sa ilalim ng liderato ni Gov. Fernando, kalidad na serbisyo ang tinatamasa ng mga Bulakenyo. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa ngayon, abala si San Jose del Monte Mayor Arthur Robes sa adhikain na maging “Highly Urbanized City” ang kanyang siyudad. “We have started laying the foundation in the city wherein we only have one aim that is to improve the lives of San Josenos,” saad ni Robes. Kailangan na lamang na bumoto ng YES ang mga taga-San Jose del Monte City sa mangyayaring panlalawigang plebisito upang maging ganap na HUC ang siyudad. Isasabay ang botohan sa BSKE elections. Sa suporta ni Fernando at ng buong lalawigan ay walang dudang nakatakda nga na maging highly urbanized city ang San Jose Del Monte. Siyempre, todo suporta si Fernando at iba pang local government units (LGUs) sa galaw na ito ni Robes, di ba mga kosa? Yupadoodles! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Kapag naging HUC na ang siyudad, maraming negosyante ang mahihikayat na mamuhunan dito at ang resulta nito ay maraming trabaho. Kaya’t mapapabuti nito ang buhay at kinabukasan ng mga taga-San Jose del Monte City, ang pinakamalaking siyudad ng Bulacan. Pag nagkataon, hindi lang ang siyudad ang makikinabang, kundi maging ang karatig lugar nito. Eh di wow! Ito na ang pagkataon para mabigyan nina Fernando at Robes ng tama, mainam at mahusay na serbisyo ang taga-San Jose del Monte City. Tsk tsk tsk! Ano pa nga ba! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi ng kampo ni Robes na mukhang overwhelming na Yes votes naman ang mamamayani sa darating na plebisito. Hindi lang negosyo at turismo ang  papasok sa siyudad pag nagkataon, kundi makakuha rin ito ng malaking pondo mula sa pambansang pamahalaan upang magamit sa pag-aayos ng imprastruktura, edukasyon at iba pang serbisyo pang-komunidad, ayon kay Robes.  Eh di wow! Hehehe! Sa pagka-HUC ng siyudad, makakatulong ito sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng masusing pagplano at pamamahala ni Robes, di ba mga kosa?

“Maaaring i-channel ng lungsod ang mga pamumuhunan sa mas mabuting serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon, pangagailagang kalusugan, kalinisan at kaligtasan ng publiko, pagppaunlad ng mga pinahusay na paaralan, ospital at mahahalagang serbisyo sa komunidad,” ani Robes. Hehehe! Maganda ang tandem nina Fernando at Robes dahil siguradong progreso ng Bulacan ang magiging resulta nito.

Matatandaan na noong Disyembre 2020, ipinroklama ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lungsod ng San Jose del Monte, bilang highly-urbanized city sa bisa ng Proclamation No. 1057. Nasa kamay ng mga residente ang katuparan ng pagiging HUC ng siyudad. Kaya’t sa taga-San Jose del Monte City, bomoto ng YES sa Oktubre 30 para sa ikaganda ng kinabukasan n’yo at inyong pamilya. Abangan!

DANIEL FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with