^

Punto Mo

Psychology facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Bakit may taong maingay kagaya nang malakas ang boses­ kung nagsasalita o kaya ay nagkukuwento lang pero aakalain mong may kaaway? Sa bahay kasi, ang opinyon niya ay hindi binibig­yang halaga ng mga kapamilya niya. Kaya para marinig siya at mapansin, kailangang ilakas niya ang boses tuwing may kausap.

2. Ang batang lumaki sa pamilyang hirap sa pananalapi pero naging mapera pagtanda niya ay nakakadama ng guilt tuwing bibili siya nang mamahaling bagay.

3. Ang taong lumaking walang ama o inang nakapiling sa kanyang paglaki dahil nagtrabaho sa abroad o dahil hiwalay ang mga magulang ay naaakit sa long distance relationship kung saan ang karelasyon ay laging hindi available para maalagaan siya.

4. Ang ating nervous system ay automatic na nagiging kalmado kapag ang mga tao sa ating paligid­ ay authentic na mabubuti. Nadadama natin ang positive energy na inilalabas ng kani­lang katawan.

5. Kung may gusto sa iyo ang opposite sex, dama mo agad iyon. Ngunit kung wala itong gusto sa iyo, malilito ka kung may gusto ito sa iyo o wala.

6. Kapag sinabihan ka ng ibang tao na nagbago ka na, ang literal na ibig sabihin noon ay hindi mo na taglay ang dati mong ugali na nagustuhan nila sa iyo.

7. Kung trying hard kang magpasaya ng ibang tao, ang resulta ay nawawala naman ang tunay mong pagkatao. Kaya paligayahin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Ang tawag doon self-love. Kapag masaya ka, mahahawa na rin sila sa iyo.

8. Ang pagkukunwari ng isang tao ay tumatagal lamang hanggang apat na buwan. Pagkatapos ng panahong ito, hindi na nito mapipigilang ipakita ang tunay niyang ugali o intensiyon sa iyo.

9. Okey lang na malungkot pagkatapos gumawa ng isang tamang desisyon.

10 Matured ka na kung pinipili mong magsawalang-kibo at manahimik kaysa makipagtalo sa walang katuturang bagay.

FACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with