Psychological facts
1. Ang isa sa maraming dahilan ng kabiguan ay: Trying to please everyone.
2. Ayon sa pag-aaral, ang phobia ng isang tao ay bad memories na naipasa lang sa kanya mula sa kanyang ninuno sa pamamagitan ng DNA.
3. Napag-aralan ng mga psychologists na ang internet trolls (bashers, kontrabida sa forums, chat rooms, blog, etc) ay narcissistic, psychopatic at sadistic.
4. Mag-ingat sa driver na ang kotse ay may sticker, decals, vanity plates na nakalagay sa bumper ng kanyang sasakyan o kaya may dashboard hulas (small doll na naka-hawaiian attire). A study at Colorado State University found drivers who use stickers, decals, dashboard hulas, and vanity plates, are more likely to be road ragers than others. Researchers say it comes down to the fact that people who mark their territory appear to be a bit more aggressive.
5. Ang last person na naisip mo bago makatulog ay ang taong nagbibigay sa iyo ng kaligayahan o kabuwisitan sa buhay.
6. Ang sakit na nadadama ng binabalewala ay kasing sakit kapag nasugatan ang katawan.
7. Kapag may nagsabing may itatanong siya sa iyo, ang tendency ng iyong utak ay alalahanin ang ginawa mong latest na kapalpakan.
8. Ang taong ipinanganak nang bulag ay hindi nagkakaroon ng schizophrenia.
9. May taong ang laging iniisip ay mga negative thoughts. Sisihin mo ito sa “gene” na nasa katawan mo. Maaaring ito ay genetic trait ng iyong magulang na namana mo lamang.
10. Bago tapusin ang to-do list, umidlip muna sandali para matapos mo ang gawain nang matiwasay.
- Latest