^

Punto Mo

Mga paaralan sa Japan, gagamit ng robot para sa mga batang umaabsent sa klase!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG siyudad sa Japan ang gagamit ng mga robot para hikayatin ang mga kabataan na ayaw pumasok sa school!

Ayon sa 2022 statistics ng Kumamoto City Board of Education mahigit sa 2,760 kabataan na nasa edad 7 hanggang 13 ang ayaw ng pumasok sa paaralan dahil sa mga issue tulad ng mental health at bullying.

Bilang solusyon sa problemang ito, naisipan ng board na maglagay ng mga high-tech na robot sa mga classroom na maaaring kontrolin ng mga estudyante na nasa bahay at takot pumasok sa paaralan.

Ang mga nasabing robot ay may tangkad na 3 feet. Mayroon itong microphone, speakers, camera na makapagbibigay ng two-way communication para makahalubilo ang bata sa kanyang mga kaklase at guro. May kakayahan din itong makalibot sa buong paaralan para makapag-participate ang bata sa mga activities tulad ng P.E. at school festival.

Ayon kay Kumamoto city official na si Maki Yoshozato, ang isa sa mga layunin ng robot ay ipakita sa mga batang lumiliban sa klase na hindi nakakatakot pumasok sa paaralan at hikayatin ang mga ito na sumali na sa face to face classes.

Umaasa ang Kumamoto City Board of Education na iro-rollout na sa Nob­yembre ang mga robot sa kanilang mga pampublikong paaralan.

ROBOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with