^

Punto Mo

Leon, nakawala habang nasa matinding trapik sa Pakistan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang adult lion ang nakawala mula sa pribadong sasakyan habang nasa kalagitnaan nang matinding trapik sa Karachi, Pakistan!

Ibinabiyahe ang leon ng kanyang may-ari nang bigla itong nakatakas sa kanyang kulungan. Nasa isang main road sa Karachi ang sinasakyan nito habang nasa matinding peak traffic hours.

Agad tumawag ang may-ari ng leon sa Sindh Wildlife Department para humingi ng tulong sa paghuli sa kanyang alaga.

Dahil nasa kasagsagan ng trapik, maraming netizens ang nakakuha ng video ng leon at kumalat sa social media ang mga ito. Isa na rito ang video kung saan mapapanood na muntik na nitong sunggaban ang isang bystander.

Lalong nagpalala ng trapik ang insidente dahil sa mga nagdatingang news vehicles at mga usisero na gustong kunan ng video ang leon upang ipost sa social media websites.

Inabot ng dalawang oras ang pag­huli sa leon. Ayon sa mga pulis, nahuli ito nang makorner sa isang basement ng abandonadong building.

Napag-alaman na walang sapat na papeles ang leon kaya idinetene ang may-ari nito at posible itong makulong at pagmultahin nang malaking halaga.

vuukle comment

PAKISTAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with