^

Punto Mo

Paranormal facts (Part III)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Gusto ng multo na mamalagi sa lugar na maraming namatay o nanganak. Saan mayroon noon kundi sa ospital.

• Pero kung ang pagkukumparahin ay simbahan at semen­teryo, mas maraming multo sa simbahan.

• May naniniwala na malakas ang sense of smell ng multo at naaakit sila sa amoy ng pabango at lemon.

• Marami na ang kaso na sa batang miyembro ng pamilya nagpapakita ang multo nang pumanaw. O, may mga pangyayari na nagkakaroon ang bata ng mga nakikitang bagay na hindi naman nakikita ng matatanda niyang kasama kaya bibigyan na lang ito ng konklusyon na may “imaginary friend” ito. Ang lahat ng tao ay may kakayahang makakita ng espiritu o multo simula nang siya ay ipinanganak. Nakakakita ang mga bata ng multo dahil dalisay pa ang kanilang puso at pag-iisip at hindi pa nahahaluan ng iba’t ibang teorya sa buhay. Kaya kapag lumaki na at nagsimula nang magkaroon ng sarili niyang opinyon at paniniwala, ang kakayahang makakita ng multo ay nawawala maliban lang kung nagkaroon siya ng third eye. Kaya kung ang isang toddler ay nagsabi sa iyo na may friend siya na hindi mo naman nakikita, maniwala ka na totoo ang “imaginary friend” niya.

• Ang mga poltergeist ay multong “emotionally stressed” kaya bayolente sila kapag nagpaparamdam sa mga tao: nag-iingay sila sa pamamagitan ng pagkatok, inihahampas na pintuan; o may ibinabagsak na mga mabibigat na bagay sa sahig.

• Mas maraming tao sa Britain ang naniniwala sa multo kaysa Diyos.

• Gustung-gusto ng multo na magpanhik-manaog sa mga hagdan ng bahay.

• Karamihan sa mga multo ay hindi perwisyo o nananakit dahil sila ay nasa “state of confusion”. Hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanila at kung bakit nakikita nila at naririnig ang mga tao pero walang nakakakita at nakakarinig sa kanila.

PARANORMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with