^

Punto Mo

Lumang painting, sinasauli ng mga nakabili dahil mayroon itong sumpa!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lumang painting na itinitinda sa isang thrift shop sa England ang dalawang beses nang isinasauli ng mga bumili nito dahil diumano’y may kasama itong sumpa.

Nag-viral sa social media app na X ang litrato ng display window ng thrift shop na Hastings Advice Representation Centre (HARC) dahil may binebenta itong lumang painting­ ng batang babae. Pinag-usapan ito ng mga netizens dahil may nakadikit na mensahe ang painting na gawa ng isa sa mga staff ng shop. Ayon dito, dalawang beses nang nabili ang painting at dalawang beses din itong isinauli.

Sa panayam sa store manager ng HARC na si Steve, walang impormasyon kung saan nagmula at sinong gumawa ng painting. Dumating ito sa kanilang shop bilang donation. Karamihan ng mga taong napapadaan sa shop ay napapatigil para pagmas­dan ang painting dahil sa misteryosong mata ng bata na tila sumusunod sa kahit saan ka magpunta.

Ikinuwento ni Steve na isang matandang babae ang unang nakabili nito sa halagang 25 British pounds. Ngunit matapos ang dalawang araw, bumalik ito para isauli ang painting dahil ayon dito, may hindi siya magandang pakiramdam sa tuwing tinitingnan niya ang painting.

Ang sumunod na nangahas bumili ng painting ay isang 36-anyos na babae na si Zoe. Ayon kay Zoe, pagdating nila sa kanilang bahay ay tinatahulan na ito ng kanilang aso. Nakakaramdam din siya ng lamig kapag nasa silid siya kung saan ito nakasabit kahit kasagsagan ng heat wave sa England.

Kahit ang kanyang 68- anyos na ina ay nakaranas ng health issues tulad ng hot flashes at panghihina. Ibinalik ni Zoe ang painting­ sa HARC ngunit nagalit ang kanyang ina dahil sa kabila ng mga kababa­lag­han na nararanasan nila simula nang dumating ang painting, gustung-gusto at napamahal na ito sa kanyang ina.

Sa kasalukuyan, binili muli ni Zoe ang painting at naghahanap siya ng espi­ritista na tutulong sa kanya na magsagawa ng “spiritual cleansing” sa painting.

 

PAINTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with