^

Punto Mo

Stroke patient ­nakapagsalita sa ­tulong ng brain implant?

PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Marami nang umiiral na medical procedures para masolusyunan hangga’t maaari ang problema ng mga taong hindi na makapagsalita makaraang ma-stroke. Karaniwang napipipi o hindi na makapagsalita ang mga stroke patient. May mga nauutal o paisa-isa lang ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig o puro ungol lang ang maririnig sa kanila kapag tinatangka nilang magsalita.

Depende sa klase ng stroke at kondisyon ng pasyente ang kinakailangang medical intervention kung meron mang naaangkop sa kanyang kalagayan. May mga inaabot nang maraming buwan o taon bago makapagsalita kung may tsansa pang makapagsalita at meron namang hindi na talaga makapagsalita anumang klase ng gamutan ang gawin.

Gayunman, may mga scientist na patuloy na nag-eeksperimento sa iba’t ibang paraan tulad ng paggamit ng artificial intelligence at brain implant para muling mapagsalita ang stroke patient na nawalan ng boses.

Ilan dito ang  teknolohiyang ginawa sa eksperimento ng mga researcher ng University of California, San Francisco at ng University of California, Berkeley sa United States. Nalathala sa journal na Nature nitong nagdaang linggo ang resulta ng kanilang eksperimento na nagawang mapagsalita ang isang 48 anyos na dating titser na 18 taon nang hindi makapagsalita mula nang ma-stroke noong 2005.

Nilagyan nila ng isang implant ang kanyang utak at ikinonekta ito sa isang computer.  Sa pamamagitan ng artificial intelligence, ang mga signal mula sa utak ng pasyente ay pinadala sa computer at  naisalin sa mga salita o pangungusap na binibigkas ng avatar (isang klase ng imahe) sa computer screen.

Maririnig sa computer ang sinasabi ng utak ng pasyente. Sinasabing mas mabilis ang sistema nito at mas accurate kumpara sa ibang naunang mga teknolohiyang may kahalintulad na pamamaraan. Kailangan nga lang ng kable para maikonekta ang utak ng pasyente sa computer kaya maaaring mahirap pa itong magamit nang ganap sa araw-araw niyang pamumuhay. Hindi pa kasi wireless.

Lumabas din sa Nature nitong nakaraang linggo ang dalawa  pang pag-aaral na gumamit ng brain implant o sensor na ikinabit sa utak ng pasyente, artificial intelligence  at computer para makapagsalitang muli ang mga ito. Sinasabing mas mabilis ang sistema sa nabanggit na tatlong pag-aaral kumpara sa ibang naunang mga eksperimento mula noong 1990s na gumagamit ng electrode na nakababasa ng brain signal.

Inaamin naman ng mga researcher na marami pang kailangang gawin para lalong umunlad ang naturang teknolohiya. Dapat kasi wireless kung idedepende ito sa computer o kaya mailalagay sa smartphone o tablet o laptop para magamit ito ng isang pasyente kahit nasaan siya. Kailangan nga lang niyang magdala ng alin man sa naturang mga gadget para makipag-usap sa ibang tao.

Hindi lang nabanggit kung magkano ang magagastos sa pagpapakabit ng implant at kabuuang paggamit ng naturang teknolohiya kung sakaling mapaunlad ito at mapatunayang epektibo at makakatulong sa mga nawalan ng boses dahil sa stroke.  Maaaring dahil nga nasa antas pa lang ito ng eksperimento pero, dahil kailangan ang operasyon para makabitan ng implant ang utak ng pasyente, asahan nang malaking halaga ang babayaran ng pasyente rito.

Gayunman, madadagdag lang ang naturang teknolohiya sa listahan ng mga paraang medikal para sa mga stroke patient na hindi makapagsalita.

•••••

Email: [email protected]

STROKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with