^

Punto Mo

EDITORYAL - Classroom shortage problema na naman

Pang-masa
EDITORYAL - Classroom shortage problema na naman

SA Martes (Agosto 29) ay pasukan na ng mga estu­dyante particular sa mga pampublikong paaralan. Tiyak na mararanasan na naman ang dating problema sa public school ang kakulangan ng silid-aralan. Ito ang problemang hindi masolusyunan sa kabila na mayroon namang pondo para sa pagpapagawa ng mga school building. Hindi pa nangyari na nagbukas ang klase na hindi nagkaproblema sa kakulangan ng silid-aralan. Mismong mga opisyales ng edukasyon ang nagsabi na ang classroom shortage ngayong pasukan ay 159,000.

Napakalaki ng kakulangan. Maiimadyin kung saan magdaraos ng klase ang mga estudyante sa public schools. Posibleng maulit na naman ang senaryo na magdaraos ng klase sa ilalim ng punong mangga.

Mauulit ang tanawin na dahil sa kakulangan ng classroom ay sa lobby ng eskuwelahan magsasagawa ng klase o kaya’y ang comfort room ay iko-convert na classroom. Nangyari na ito sa mga nakaraang pagbubukas ng klase.

Ayon sa inilabas na data ng DepEd, tinatayang 16.8 milyong estudyante na ang nakapag-enrol at madadagdagan pa habang papalapit ang school opening. Ayon pa sa DepEd, ang Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng enrollees na umaabot sa 2,858,606. Sinundan ito ng National Capital Region, 2,220,470 at Central Luzon, 1,868,161.

Sinabi mismo ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte noong Enero na maraming gusali ng eskuwelahan ang kailangang kumpunihin at ang iba naman ay hindi na magagamit dahil sa sobrang kalumaan. Sa 327,851 public school buildings, 100,072 dito ang nangangailangan ng minor repairs, 89,252 ang major repairs at 21,727 ang kailangan nang gibain dahil sa kalumaan. Ito ang mga nakitang dahilan kaya may shortage ng classroom sa bansa.

Nakapagtataka naman kung bakit maliit lang ang budget para sa basic education facilities para sa susunod na taon gayung kailangan ito para masolusyunan ang problema sa classroom shortage. Ang proposed budget ay P33.7 billion lamang. Saan aabot ang hala­gang ito gayung maraming dapat itayo at ­kumpunihing school building?

Nararapat bigyan nang mas malaking budget ang DepEd para malutas ang kakulangan sa classroom na tuwing pasukan ay pinuroblema. Kung napaglalaanan ng intel funds ang DepEd na nagkakahalaga ng P150 milyon, bakit hindi dagdagan ng pondo para sa pagpapagawa ng school buildings.

SHORTAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with