^

Punto Mo

May karapatan bang humingi ng certificate of employment?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan ko bang big­yan ang dati kong tauhan ng Certificate of Employment na bigla na lang hindi pumasok sa trabaho at hindi nagbigay ng resignation letter?—Marie

Dear Marie,

Oo, obligado sa ilalim ng Labor Advisory No. 6, Series of 2020 ang mga employer na mag-isyu ng Certificate of Employment (COE) sa kanilang mga empleyado na hihiling nito.

Dahil obligado ka, kailangan kang mag-isyu ng COE kung may mag-request na dating empleyado mo, anuman ang dahilan ng kanyang pag-alis o pagkakatanggal sa trabaho.

Maari mo namang ilagay sa COE ang dahilan ng kanyang pag-alis o pagkakatanggal sa trabaho kaya sa sitwasyon mo, maari mong ilagay na nag-AWOL ang empleyado kaya siya ay nawalay sa serbisyo.

Tandaan lang na kailangang mag-ingat sa paggamit ng mga malisyosong salita kung maglalagay ng detalye sa COE ukol sa pag-alis ng empleyado dahil baka sa huli, ikaw pa ang mahabla.

CERTIFICATE OF EMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with