^

Punto Mo

75 solusyon para makatulog (Karugtong)  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

41. Ang gagamiting mattress cover ay non-allergenic upang maiwasan ang dust mites.

42. May mga gamot na nakakaapekto sa mahimbing na pagtulog kagaya ng asthma spray. Makipag-usap ka sa iyong doktor tungkol dito.

43. Gumamit ng kumot na angkop sa kasalukuyang klima. May tendency na mamaluktot kung gagamit ng manipis na kumot sa tag-lamig. Ang resulta’y pananakit ng likod.

44. Iwasang gumamit ng makapal na kumot kung summer.

45. Labhan ang bed linens once a week. Maruming bed linen ang dahilan kung bakit umaatake ang iyong allergy—runny nose, watery eyes at sunod-sunod na paghatsing.

46. Kung back pain ang dahilan ng hindi pagkatulog, ipatong ang legs sa unan.

47. Kung may hay fever (allergy sa pollen), mag-quick shower sa gabi bago matulog para matanggal ang “pollen” na dumikit sa iyong katawan.

48. Nakaka-stress ang tambak na gawain sa bahay at may epekto ito sa mahimbing na pagtulog. Huwag solohin ang gawaing bahay.

49. Pag-isipan ang solusyon sa problema sa araw pero huwag sa gabi.

50. Kung may nararamdamang sakit (ulo, tiyan, etc.), gamutin na ito bago matulog.

51. Pakalmahin muna ang naguguluhang kalooban bago matulog.

52. Kung posible, solusyunan na ang problema bago matulog.

53. Subukan ang meditation.

54. Mag-compose ng positive affirmation na angkop sa iyong sitwasyon.

55. Magpatugtog ng musikang nagpapa-relaks sa iyo.

56. Kalimutan muna ang trabahong iniwan sa opisina kapag nasa bahay ka na.

57. Magbilang nang paurong—mula 100 hanggang 1.

58. Dahan-dahang maglakad  sa loob ng kuwarto ng 10 minutes.

59. Tumitig sa poster, picture, painting na nangingibabaw ang kulay green. Nakakababa ito ng blood pressure at nakakapag-produce ng feeling of contentment.

60. Gumawa ng sleep journal sa loob ng 2 linggo. Ilista kung anong oras natutulog at       anong habits ang nagiging dahilan para hindi makatulog nang maayos.

61.Tigilan na ang pagiging perfectionist. Sa isang pag-aaral, natuklasan na karamihan sa mga nagkakaroon ng problema sa pagtulog ay iyong mga perfectionist. Halimbawa: Antok na antok na pero hindi pa rin matutulog dahil kailangang tapusin ang isang gawaing  bago matulog. Ang resulta’y nalilipasan sila ng antok hanggang sa hindi na makatulog. (Itutuloy)

vuukle comment

TULOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with