^

Punto Mo

Bagong tuklas na uri ng ahas, ipinangalan sa hollywood actor na si Harrison Ford!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGPASYA ang mga siyentipiko sa Peru na ipangalan kay Harrison Ford ang bago nilang tuklas na specie ng ahas.

Bilang parangal kay Harrison Ford sa pagsuporta sa environmental conservation, binigyan ang ahas ng scientific name na “Tachymenoides harrisonfordi”.

Unang natuklasan ang 40 cm na ahas noong May 2022 sa kabundukan ng Otishi National Park sa San Marcos National University. Ngunit ngayon lang 2023 napag-alaman ng researchers at scientists na isa itong unknown specie.

Ang ahas ay may yellowish-brown color, black spots, black belly at copper colored eyes. Ang ahas ay natagpuan sa bahagi ng bundok na mapupuntahan lamang sakay ng helicopter. Sa pag-aaral at obserbasyon ng mga scientist, hindi mapanganib sa tao ang ahas. Palaka at butiki lamang ang kinakain nito.

Ayon kay Edgay Lehr, ang biologist na unang nakatuklas sa ahas, binigyang pahintulot ni Harrison Ford ang Conservation International na gamitin ang pangalan niya para sa bagong specie ng ahas.

Unang nakilala si Harrison Ford sa movie franchise na Star Wars sa pagganap bilang si Han Solo. Ngunit mas nakilala siya nang magbida sa action adventure movie series na Indiana Jones. Bukod dito kilala rin ang 81-anyos na actor sa pagiging environmental activist at licensed pilot.

AHAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with