^

Punto Mo

17 pares ng kambal, sabay-sabay na papasok sa pagbubukas ng klase sa U.K.!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang lugar sa Scotland, U.K. ang nakapagtala ng bagong record kung saan 17 pares ng kambal ang sabay-sabay na magsisimula sa kanilang primary education!

Ang Inverclyde ay isang distrito sa Scotland kung saan kilala ito sa pagkakaroon nang maraming kambal. Sa pagbubukas ng bagong school year, 34 sa mga incoming Primary 1 students doon na may edad 4 years old ay mga pares ng kambal.

Noong Agosto 11, nagtipun-tipon ang mga kambal at kanilang mga magulang sa St. Patrick’s Primary School para sa dress rehearsal at pag-welcome sa mga kambal na naging taunang tradisyon na ng Inverclyde simula noong 2013.

Ayon sa isang opisyal ng Inverclyde, 10 taon na ang nakalilipas simula nang magkaroon nang maraming kambal sa kanilang school system. Labindalawang pares na Primary 1 students ang nag-enroll noong 2013 at simula noon ay hindi na bababa sa siyam na pares ng kambal ang tinatanggap ng mga eskuwelahan sa kanilang distrito.

Ang 17 pares ay da­dagdag sa kasalukuyang 147 pares ng kambal na primary students sa Inverclyde area. Dahil sa pambihirang dami ng mga kambal sa lugar na ito, pabirong tinatawag na ang lugar na ito bilang ‘Twinverclyde’.

KAMBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with