^

Punto Mo

Leksiyon sa nagmahal pero iniwan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Tomboy siya at nagmahal nang labis sa isang babae. Pagkatapos nitong ibigay ang lahat-lahat sa kanyang iniirog na ka-live-in, kasama na ang kinabukasan at savings, iniwan pa rin siya.

Sinabi kong kinabukasan, dahil habang nagsasama sila ng babae, may isang kaibigang Pinay siya na American citizen na gusto siyang isama sa U.S. pero tumanggi siya dahil ayaw niyang iwanan ang iniirog na babae. Ang kabalintunaan dito, iniwan siya ng iniirog na babae para magpakasal sa matandang biyudong Pinoy na American citizen.

Nag-iisa na siya sa buhay. Sakitin na siya at walang hanapbuhay. Nabubuhay siya sa tulong ng mga kapatid at pamangkin. Mula sa U.S. humingi ng tulong ang kanyang “ex”. May property pa rin daw dito ang matandang asawa nito pero hindi nababayaran ang amilyar. Pinakiusapan nito ang dakilang tomboy na ayusin ang utang sa amilyar. Pumayag ang tomboy sa pakiusap ng “ex” pero bago siya kumilos ay pinagsabihan ko siya:

“Remember, tinitiis mong hindi makapasyal sa SM dahil malabo na ang mata mo at pandinig. Malaki ang utang nila sa amilyar kaya marami ka pang aasikasuhin diyan. Baka akala mo ay iaabot mo lang ang pera at tapos na ang problema. Heto nga, bago mo maintindihan ang sinasabi ko, katakot-takot pang paulit-ulit ang aking pagsasalita dahil hindi mo marinig.

Paano ka makikipag-transact sa mga taga-city hall sa kalagayan mong iyan? Marami naman siyang kamag-anak, bakit ikaw ang lagi niyang inuutusan? Kapag ba nagkasakit ka, uuwi ba ang babaeng ‘yan para ka alagaan? Maging selfish ka naman this time, tumanggi ka at sabihin mong hindi mo kaya. Paano ka mamahalin ng mga pamangkin mong tumutulong sa iyo kung nakikita nilang wala kang pagmamahal sa sarili mo.”

“Make yourself a priority once in a while. It’s not selfish. It’s necessary. – Anonymous

TOMBOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with