^

Punto Mo

Paano ang pagrespeto sa sarili

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Huwag ipagpilitan ang sarili sa ayaw sa iyo.

• Iwasang mamalimos ng pag-ibig.

• Kausapin kaagad ang taong may hindi magandang ginawa sa iyo.

• Iwasan ang palagiang pagbisita sa bahay ng ibang tao nang walang pasabi, lalo na at hindi naman nito ugaling bumisita sa bahay mo.

• Kapag nakikipagkuwentuhan, ibaba mo ang iyong boses. Nakakayamot ang boses na laging nasa high pitch.

• Kapag nasa ibang bahay at hindi ka inaalok na doon kumain, magpaalam bago dumating ang mealtime.

• Gumastos sa mga bagay na makapagpapasaya sa iyo.

• Nakakababa ng pagkatao ang pagiging tsismosa.

• Mag-isip muna bago magsalita. Nasusukat ang pagkatao sa pamamagitan ng mga salitang lumalabas sa bibig mo.

• Huwag kang dadalo sa party na hindi ka imbitado, kahit pa sabihing “plus one ka ng isang kaibigan. At kung imbitado ka, huwag magbabad, umalis na ang mga bisita pero naroon ka pa dahil tumitiyempo na “makapag-take home”.

• Maghanapbuhay. Magkaroon ng sariling pera at ipon. Huwag umasa sa bigay ng kapamilya.

• Irespeto mo ang iyong oras.

• Mas maging mapagbigay kaysa laging tumatanggap.

• Maging magaling sa anumang ginagawa mo.

• Sa pakikipagrelasyon, lumayo ka kung wala nang madamang respeto at pagpapahalaga sa iyo.

• Dalawang tawag lang ang gagawin mo. Kung mahalaga ka sa kanya, magko-call back agad iyon. Hindi kasama dito ang tinatawagan mong may utang sa iyo.

RESPECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with