^

Punto Mo

Mga napabayaang kuneho, dumami at nanalasa sa isang komunidad sa U.S.!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG neighborhood sa Wilton Manors, South Florida ang namumroblema sa hindi makontrol na pagdami ng mga kuneho sa kanilang lugar.

Ayon kay Alicia Griggs, isang residente ng Jenada Isles, nagsimula ang problema ng kanilang komunidad dalawang taon ang nakararaan nang lumipat ang isa nilang kapitbahay na breeder ng lionhead rabbits. Imbis na isama ang mga ito sa kanyang lilipatan, iniwan at pinakawalan nito ang mga kuneho sa kalsada.

Sa ngayon, tinatayang 90 hanggang 100 ang mga kuneho sa Jenada Isles. Mas marami na ang mga ito sa 81 households sa naturang neighborhood.

Dahil sa dami ng mga pakalat-kalat na mga kuneho, naging problema ng mga residente ang mga nakakalat na ipot at ihi na dulot ng mga ito. Karamihan pa sa mga ito ay naghuhukay ng butas sa mga bakuran. Ang iba naman ay nginangatngat ang mga outdoor wirings ng mga kabahayan.

Upang matigil na ang problema nila sa kuneho, nagsimula ng fundraising si Griggs para makaipon ng $52,000 dollars na gagamitin sa pag-rescue, pagkapon, pag-vaccinate at pag-shelter sa mga rabbits.

Sa kasalakuyan, nakakalap na sila ng $37,000 at unti-unti na nilang nare-rescue ang mga kuneho sa Jenada Isles at naghihintay na ang mga ito ma-adopt ng pet owners.

 

RABBIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with