^

Punto Mo

Ang mga salot sa kalikasan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

AGARANG ipinatigil ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang reclamation sa Manila Bay dahil nabarahan nito ang lagusan ng mga sapa at ilog kaya nagkaroon nang malawakang pagbaha sa Pampanga at Bulacan.

Umangal din si Sen. Cynthia Villar dahil umaapaw na rin sa baha ang Parañaque at Las Piñas. Hindi ba alam ng anak nitong si dating DPWH Sec. Mark Villar ang masamang resulta sa reclamation project?

Hindi totoo na ang dahilan ng pagpapatigil ay ang Chinese contractor na gumawa ng reclaimed military installation sa Spratly. Ang totoo ay may pulitiko na nakinabang sa reclamation projects na ito, hehehe!

Hindi rin totoo ng dahilan na nawala ang sunset view na kinagiliwan ng mga namamasyal sa Roxas Boulevard. Ang totoo, naalarma ang U.S. Embassy na mapapalibutan sila ng military forces ng China na magkukunwaring business establishments.

Ayaw ni Uncle Sam ‘yan!

Ang mga abusadong minahan at housing developers sa mga kabundukan ng Calabarzon ang dahilan sa pagbabaw ng mga dating malinis at maluluwag na sapa at ilog.

Ang basura at nakalalasong likido na nagmumula sa mga residente at manufacturing companies sa Taguig, Taytay Rizal, Mandaluyong at Makati ang sumalanta sa maalamat na Pasig River.

Ano na MMDA?

KALIKASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with