^

Punto Mo

Deed of sale ng lupa dapat bang notaryado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kapag hindi po ba naipanotaryo ang deed of sale ng lupa wala nang bisa ang naging bentahan?—Leny

Dear Leny,

Nakasaad sa Article 1358 ng Civil Code na kailangang nasa isang public na dokumento ang kasunduan ukol sa bentahan ng real property. Upang maging public document ang isang deed of sale ng lupa ay sa pamamagitan ng pagpapanotaryo nito.

Ngunit sa kabila ng probisyong ito na nagsasaad na kaila­ngang notaryado ang mga kasulatang ukol sa bentahan ng lupa, tahimik naman ang batas sa epekto ng hindi pagpapanotaryo.

Bagama’t  hindi alinsunod sa Article 1358 ng Civil Code ang hindi pagpapanotaryo ng bentahan ng lupa, hindi naman makakaapekto ang kakulangang ito sa bisa ng kontrata, ayon sa ilang kasong nadesisyunan ng Korte Suprema. May bisa rin ito at kailangang tuparin pa rin ng mga pumirma sa dokumento ang kanilang mga napagkasunduan.

Ang requirement na kailangang notarized ang dokumento ay para lamang sa convenience ng lahat at wala itong kinalaman o epekto sa bisa ng naging kasunduan [James Estreller, et al. v. Luis Miguel Ysmael, et al., G.R. No. 170264, March 13, 2009; Tigno v. Aquino, 486 Phil. 254, 268 (2004)].

Ngunit hindi man apektado ang bisa ng deed of sale kung hindi ito notaryado ay kakailanganin pa rin na ipanotaryo ito dahil sa isang praktikal na dahilan: hindi  kasi maipaparehistro sa pangalan ng bumili ang titulo ng lupa sa Registry of Deeds kung ang  Deed of Sale ay hindi notaryado. Ito ay alinsunod sa Section 112 ng P.D. 1529 o Property Registration Decree.

DEED OF SALE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with