^

Punto Mo

EDITORYAL - Baha at dengue

Pang-masa
EDITORYAL - Baha at dengue

MARAMING bayan sa Bulacan at Pampanga ang lubog sa baha. Mahigit isang linggo na ang nararanasang pag-ulan dahil sa habagat na pinalakas ng dalawang bagyong nagdaan—Egay at Falcon.

Bukod sa pinsalang dulot ng baha, ang isang kinatatakutan ngayon ay ang mabilis na pagdami ng kaso ng dengue. Kapag ang baha ay tumagal ng isang linggo tiyak na maraming lamok na ang nakapangitlog. Sa isang iglap, magiging kiti-kiti ang mga itlog at kasunod na ang mga lamok na Aedes Aegypti at Aedes Albopictus na naghahatid ng dengue.

Ayon sa Department of Health (DOH), 80,318 kaso ng dengue na ang naitatala mula Enero 1 hanggang Hulyo 15, 2023. Sa bilang na ito, 299 ang namatay. Tumaas ng 16 percent ang kaso ng dengue at patuloy pa umano sa pagtaas.

Kung saan maraming tubig, doon nabubuhay ang mga lamok. Mabilis dumami ang mga lamok kaya paalala ng DOH na maging alerto at wasakin lahat ang mga posibleng pangitlugan ng mga lamok. Karaniwang nangingitlog ang mga lamok sa basyong bote, mga paso ng halaman, tapyas na gulong ng sasakyan at mga kanal na hindi umaagos. Naninirahan din ang mga lamok sa mga damit na nakasampay sa mga madidilim na bahagi ng bahay.

Karaniwang mga bata ang nagiging biktima ng dengue kaya ipinapayo na pagsuutin sila nang mahahaba ang manggas na damit. Pagsuutin ng padyama o jogging pants kapag matutulog para makaiwas sa dengue.

Ipinapayo rin ang paggamit ng kulambo at ang 4s strategy. Ang 4s ay search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation at support fogging or spraying in hotspot areas.

Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan, pagkakaroon ng pantal sa balat, at ihi na kulay kape. Kapag nakaranas ng mga sintomas, kumunsulta agad sa doktor.

Paigtingin ng DOH ang kampanya laban sa ­dengue. Palawakin ang pagbibigay ng kaalaman para ganap na malipol ang mga lamok. Marami sa mamamayan ang kulang sa kaalaman sa mga lamok na naghahatid ng sakit. Nararapat na ma-educate sila para makaiwas sa nakamamatay na dengue. Ngayong malapit na ang pagbubukas ng school year 2023-2024, mahalagang ituro sa mga bata ang mga paraan para makaiwas sa dengue.

vuukle comment

BAHA

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with