Matagal nang gawain ng mga pulpolitiko ang terorismo
PULITIKA ang malaking dahilan sa usaping kriminalidad sa Negros Oriental na isang police matter lamang kung tutuusin. Sunud-sunuran daw kasi sa magkapatid na Cong. Arnie Teves at dating Gov. Pryde Teves ang mga pulis. Obvious ba?
Binansagang terorista ang grupo ng magkapatid na Cong. Arnie at Pryde Teves ng Anti Terrorism Council (ATC). Hindi malinaw kung may mga pulis na accessory to commit terrorism?
Ang Ampatuan family sa Maguindanao ay nasangkot sa masaker nang patayin ang pamilya ni Gov. Ismael Mangudadatu at grupo ng mga taga-media. Pero hindi sila binansagang terorista ng Arroyo administration. Hello!
Ang Parojinog family sa Ozamis City ay isinangkot sa Kuratong Baleleng Group na nanghoholdap ng banko at pumapatay sa mga hahadlang.
Sa shabu sila natodas at nakulong ang ilan sa kanila. Hindi rin sila binansagang terorista ni Digong. In fairness, he-he-he!
Maraming pulitiko ang may sariling private army at kabilang sa mga ito ay mamamatay tao. Kamakailan, ipinag-utos ni PBBM sa AFP ang agarang pagbuwag sa kanila. Di ngaaa! Paano kung kapartido?
Kung terorista ang tawag sa pulitikong nagpapapatay ng kalaban sa pulitika at mga taga-media, aba’y matagal na tayong nabubuhay sa teroristang bansa.
- Latest