^

Punto Mo

Lalaki sa China, nabarahan ng bumbilya ang bunganga!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa China ang isinugod sa ospital dahil hindi niya mailuwa ang bumbilya na kanyang isinubo!

Noong Hulyo 25, nagulantang ang mga bumbero ng Yuyao City Fire Rescue Brigade sa Zhejiang, China nang dumulog sa kanilang istasyon ang isang lalaki na tinatakpan ang kanyang bibig. Ang lalaki na itinago sa alyas na Mr. Chen ay duma­ting sa istasyon na may kamisetang nakatakip sa kanyang bibig. Nang tanggalin nito ang kamiseta, nakita ng mga bumbero na may nakasubo itong LED bulb sa bunganga.

Dahil may nakapasak sa bunganga, mahirap intindihin ang kanyang pagsasalita. Kaya iminuwestra na lang ni Chen na tulungan siyang tanggalin ang bumbilya sa kanyang bunganga. Nang hindi matanggal ng mga bumbero ang bumbilya, nagpasya ito na dalhin nila si Chen sa Yuyao People’s Hospital.

Sa assessment ng mga doktor na umasikaso kay Chen, hindi maalis ang bumbilya dahil hindi sapat ang lawak ng bunganga nito para maibuka ito nang todo at mailuwa ang bumbilya.

Upang matanggal ito, kinailangang gumamit ng mga doktor ng device na tinatawag na special mouth opener. Gamit ang device na ito, idi-dislocate nito ang jaw o panga ng pasyente para ligtas na matanggal ang bumbilya.

Matapos ang operasyon, ligtas na natanggal ang bumbilya. Nang tinanong si Chen kung bakit niya isinubo ang bumbilya, ipinaliwanag nito na napanood niya na may gumawa nito sa social media at gusto niyang tingnan kung kaya rin ba niya itong gawin.

vuukle comment

EMERGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with