^

Punto Mo

EDITORYAL - Pangako sa health workers nararapat tuparin

Pang-masa
EDITORYAL - Pangako sa health workers nararapat tuparin

HINDI na maawat ang pag-alis ng healthcare workers (HCWs) partikular ang mga nurses. Nagkakaubusan na ng mga nurses sa mga pampubliko at pribadong ospital dahil nagtutungo sa ibang bansa—Great Britain, U.S. Middle East at iba pang bansa na mataas magpasuweldo. Hindi sila masisisi sapagkat maliit ang suweldo ng HCWs sa bansa at atrasado pa sa pagbibigay ng mga benepisyo at allowances. Kailangan pang magprotesta para marinig ang hinaing ukol sa atrasadong benepisyo.

Noong nakaraang taon, sunud-sunod ang mga isinagawang rally at protesta ng HCWs dahil sa atrasado nilang health emergency allowance. Nagtipun-tipon sila sa harapan ng tanggapan ng Department of Healh (DOH) at nanawagan na ipagkaloob ang COVID allowance na matagal nang hindi naipagkakaloob. Ayon sa mga nagprotesta, tila nakalimutan na sila ng gobyerno gayung sila ang frontliners nang manalasa ang COVID noong 2020. Kailangan pa raw ba silang mamalimos gayung ang hinihingi nila ay pinagtrabahuhan nila habang nananalasa ang pandemya? Maawa naman daw sana ang pamahalaan at ipagkaloob na ang kanilang COVID emergency allowance.

Subalit hindi sila marinig ng DOH. Parang nagsalita sila sa hangin na tinangay lamang sa kung saan at nawala. Walang madamang pagkalinga sa tulad nilang HCWs.

Ayon sa report, 1,617,600 HCWs pa ang hindi nababayaran ng kanilang health emergency allowance. Umaabot sa P11.5 bilyon ang dapat bayaran sa HCWs na ang malaking bahagi ay mga nurses.

Sabi naman ng Department of Budget and Management (DBM) naglabas sila ng P1.04 bilyon para bayaran ang 55,211 HCWs na hindi pa nababayaran mula Setyembre 2020 hanggang Hunyo 2021. Hindi naman nabatid kung nagkaroon ng katuparan o nagkatotoo ang sinabi ng DBM.

Nang magtalumpati si President Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes sa kanyang second State of the Nation Address (SONA), sinabi niyang ipagkakaloob na sa health workers ang kanilang COVID health emergency allowance. Ayon kay Marcos, para masuklian ang sakripisyo ng health workers ipagkakaloob na sa mga ito ang allowance at iba pang benepisyo.

Magandang balita ito. Ipagkaloob na sa health workers ang naantalang benepisyo. Sobra-sobra na ang paghihintay nila. Hindi sila dapat pabayaan. Ang pagpapabaya ay dahilan kaya umaalis ang mga health workers.

HEALTH WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with