^

Punto Mo

Praktikal tips

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

Mananatiling soft and fluffy ang cotton at wool blanket kung hahaluan ng 2 cups vinegar ang tubig sa washing machine. Nakakalinis din ito sa mismong washing machine.

Kung sasakay ka sa elevator at nakita mong may pumindot sa lahat ng floors (dahil nilalaro lang), mapipigil mo ang pag­hinto sa bawat floor kung pipindutin mo ulit ang bawat floor nang tig-dadalawang beses.

Mabilis matutuyo ang tagihawat kung papahiran mo ito ng glycolic acid 7 percent toning solution sa umaga at sa gabi. ‘Yun mismong area ng may tagihawat lang ang pahiran gamit ang cotton buds.

Umidlip muna sandali pagkatapos mong magbasa ng new informations upang ito ay manatili nang matagal sa iyong memory.

Kung wala kang pambili ng condom, palatandaan yon na wala kang karapatang magkaroon ng anak.

Feeling depressed pero di mo alam kung bakit. Uminom ka ng tubig. Malamang na nauuhaw ka lang kaya ganyan ang nararamdaman mo.

Tanungin mo lagi ang iyong sarili: Ang ginagawa mo ba ngayon ay nagdadala sa iyo papalapit sa gusto mong mangyari sa hinaharap? Sa tuwing may ginagawa ka, iyan dapat ang iyong objective.

Ilublob sa Coke ang buhok na dinikitan ng bubble gum. Ibabad ng ilang minuto saka tanggalin.

Huwag magpa-tattoo nang ura-urada. Ilagay sa picture frame ang tattoo design na gusto mong ipaburda sa iyong balat. Idispley ito sa lugar na nakikita mo araw-araw. Kung pagkaraan ng isang taon ay type mo pa rin itong ipaburda sa iyong katawan, then, go!

TIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with