^

Punto Mo

Employee, maari bang tanggalin bago matapos ang kanyang probationary period?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari bang tanggalin ang isang probationary employee bago pa matapos ang kanyang probationary period? Tatlong buwan pa lang po kasi ang pamangkin ko sa bago niyang trabaho pero tinanggal na siya kaagad dahil hindi raw nakapasa sa evaluation. —Mina

Dear Mina,

Una, kung tatanggalin man ang isang probationary employee, kailangan talagang gawin ito bago matapos ang kanyang probationary period. Kapag natapos na kasi ang kanyang proba­tionary period at wala namang ginawang aksyon ang kanyang employer ukol sa status ng kanyang employment ay ipagpapalagay na siya bilang isang regular employee sa ilalim ng batas.

Pangalawa, isa talaga sa mga dahilan na maaring ikatanggal ng isang probationary employee ang hindi pagpasa sa mga rasonableng standards na itinakda ng employer at ipinaalam sa empleyado bago sinimulan ng huli ang kanyang probationary period.

Hindi mo nabanggit kung ipinaalam naman sa pamangkin mo ang mga batayan para siya ay mag-qualify bilang isang regular employee. Kung ipinaalam naman sa kanya ito ay naaayon sa batas ang pagkakatanggal sa kanya kahit pa ito ay bago pa matapos ang kanyang probationary period.

Kung wala namang standards na ipinaalam sa kanya ay maaring may basehan ang pamangkin mo sa pagsasampa ng illegal dismissal laban sa kanyang dating employer.

PERIOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with