^

Punto Mo

Lalaki, aksidenteng nalunok ang susi ng kanyang kotse!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Saudi Arabia ang kinailangang sumailalim sa laparoscopic surgery matapos niyang aksidenteng malunok ang susi ng kanyang kotse!

Binigyang papuri ang medical team sa isang ospital sa Al Qunfudah na nagligtas ng buhay ng ­pasyente na may nakabarang susi ng kotse sa respiratory tract nito.

Hindi malinaw kung bakit nalunok ng hindi pinangalanang pasyente ang susi ngunit ayon sa mga local news sources sa Saudi, pinaglalaruan ito ng pasyente nang aksidenteng niya itong malunok.

Ayon sa panayam sa isa sa mga staff ng ospital, sinugod sa kanilang emergency room ang 49-anyos na pasyente na nahihirapan sa paghinga. Isinailalim ito sa x-ray ­examination at nakita na may nakabarang susi sa respiratory passage nito.

Nagpasya ang mga doktor na laparoscopic surgery ang pinakamainam na procedure para maalis ang susi pero naging kumplikado ang operasyon dahil may sakit sa puso ang pasyente.

Matapos ang ilang oras na operasyon, naging matagumpay ang operasyon at ligtas na nakuha ang susi ng kotse.

SUSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with