^

Punto Mo

88-anyos na lola, nag-iisang residente ng pinakamaliit na bayan sa U.S.!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 88-year-old na biyuda sa United States ang nag-iisang residente sa tinaguriang “smallest town in America”, ang Monowi, Nebraska.

Noong 2004, naging ta­nging residente ng Monowi si Elsie Eiler matapos mamatay ang kanyang asawa na si Rudy. Simula noon kinaila­ngan na niyang pagsabay-sabaying gampanan ang mga tungkulin bilang mayor, treasurer, clerk, secretary, libra­rian, cook, waiter at bartender.

Isang maunlad na railroad town noong 1930s ang Monowi. Mayroon ito noong mahigit sa 120 na mga negosyo at establisimento. Ngunit nag-alisan ang mga residente rito noong naging mahina ang pagsasaka at kumonti ang mga trabaho dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa U.S..

Ayon kay Elsie, hindi biro ang pagiging mayor ng Monowi, marami siyang papeles na kailangang asikasu­hing mag-isa para manatili sa mapa ang kanyang bayan. Bilang tanging taxpayer ng kanyang lugar, binubuwisan niya ang kanyang sarili para may pambayad sa tatlong poste ng ilaw at linya ng tubig. Siya na rin ang nag-aasikaso ng municipal road plan na required taun-taon para pondohan ng U.S. government ang kanyang bayan.

Bukod sa pagpapatakbo ng sarili niyang bayan, ang isa pa niyang pinagkakaabalahan ay ang negosyo niyang Monowi Tavern, isang bar and restaurant na nagse-serve ng hamburgers, hotdogs at beer. Bukas ito 6 days a week at dinarayo ito ng mga turista na curious makita ang “smallest town in America” at makilala ang pinakasikat na residente nito na si Elsie.

NEBRASKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with