^

Punto Mo

1.7M backlog sa plaka!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dapat palang hindi tigilan sa kalampag ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa aabot pa pala sa 1.7 milyon ang plaka ng sasakyan na hindi naidedeliber hanggang sa kasalukuyan.

Dismayado talaga dito ang marami, parang walang nangya­yaring pagbabago o walang plano para matugunan ito.

Kung ganito na kalaki ang backlog sa plaka na nabayaran na rin naman ng mga motorista, ano ang ginagawa rito ng LTO para mabawasan man lang ang backlog.

Kung walang anumang pag-aksyon o ilalatag na solusyon, tataas nang tataas malamang ang backlog.

Hindi nga malinaw kung bakit nagkaganito.

Ni hindi naipaliwanag nang husto sa mga motorista na naghihintay ng kanilang plaka. Saan nga ba nagkaroon ng diprensiya at kung sino ang dapat na magpanagot.

Kaya nga dahil dyan nais ni Senator Grace Poe, na maparusahan ang mga private providers na hindi nakakapagdeliber.

Ayon pa nga sa senadora, may dulot na panganib sa seguridad ang kawalan ng mga vehicle plates.

Bukod pa sa tila nabalewala ang ibinayad ng mga motorista sa plaka ng kanilang sasakyan.

Parang bumibili ka nyan sa isang bagay, nabayaran mo na pero hindi mo pa rin nakukuha.

Taon na ang binilang sa marami na hanggang ngayon nga eh wala pa ang kanilang plaka.

Sa report ng Commission on Audit sa 2022 annual report na mahigit nga 1.7 milyong na nagkakahalaga sa P808.7 milyon na nabayaran na ng mga motorista pero hindi pa rin naibibigay ng ahensya.

O ah, asa ka pa!

LICENSE PLATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with