^

Punto Mo

Health tips

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

• Ang pagkain ng mansanas sa umaga na wala pang laman ang tiyan ay tumutulong para gumaling ang migraine.

• Ang saging ay may natural antacid effect, kaya kung may heartburn, kumain ng saging para guminhawa ang pakiramdam.

• Ang pagkain ng oranges, dalanghita at iba pang kauri nito ay pinanatiling healthy ang gums at fresh ang hininga.

• Ang pakwan ay natural Viagra dahil mayroon itong citrulline content.

• Ang pag-eehersisyo ay nakakaunlad ng memory dahil pinalalakas nito ang brain-derived  neurotrophic factor.

• Sikaping matulog ng 8 oras kada gabi. Ang kakulangan ng tulog ay maaaring maging dahilan ng neurological disease.

• Ang pagkaing mamantika ay nagiging dahilan ng memory loss, lack of mood control, pagkalito at depresyon.

• Ang malaking tiyan at sobrang panonood ng porn ay nakakaliit ng utak at nakakahina ng mental capability o nakakabobo.

• Regular na lumabas ng bahay sa umaga at namnamin ang simoy ng hangin at sinag ng araw upang maging healthy ang utak at manatiling bata ang puso at pisikal na anyo.

• Maligamgam na tubig muna ang inumin pagkagising bago uminom ng kape.

• Ang paghinga sa bibig kapag natutulog ay nakakaabala ng pagtulog, nakakasira ng ngipin at pinagmumulan ng sleep apnea. May mga taong nilalagyan ng tape ang bibig para sa ilong lang siya hihinga habang natutulog.

• Sundin ang 3-2-1 method para sa mahimbing na pagtulog: Huwag kakain 3 oras bago matulog. Huwag iinom ng liquids 2 oras bago matulog. Walang TV, cell phone, etc 1 oras bago matulog.

PAGKAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with