^

Punto Mo

EDITORYAL - Krimen dito, krimen doon

Pang-masa
EDITORYAL - Krimen dito, krimen doon

HINDI na ba nagagawa ng Philippine National Police (PNP) ang 24/7 na nagpapatrulya sa mga lugar na maraming nagaganap na krimen? Ningas-kugon na ba sa pagmamantini ng katiwasayan sa maraming lugar sa bansa? Wala nang police visibility.

Maraming nangyayaring krimen ngayon hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya man. May mga nagaganap na pag-ambush na ang mga biktima ay mga mamamahayag. Noong nakaraang linggo lamang, tinambangan ang reporter ng tabloid Remate sa Masambong, Quezon City. Napatay ang anak ng reporter na kasama niya sa sasakyan­. Araw nang maganap ang krimen at sa lugar na matao pa. Blanko pa ang PNP hanggang sa ngayon. Wala pang masabi kung ano ang motibo.

Noong Sabado, isang babaing estudyante ang tinangkang gahasain sa UP-Diliman campus. Pauwi na ang estudyante dakong 10:00 p.m. nang harangin at tutukan ng patalim. Dinala sa madamong bahagi. Nanlaban ang estudyante at nagawang makatakas sa rapist.

Noong nakaraang linggo, isang babaing architecture student ang pinatay matapos pagnakawan sa inuupahang apartment sa San Jose, Occidental Mindoro. Naaagnas na ang bangkay ng estudyante nang matagpuan. Hanggang ngayon, wala pang naa­aresto ang pulisya.

Habang may mga nagaganap na pananambang­ at panggagahasa, patuloy naman ang human traf­ficking­ na ginagawa ng mga Chinese na nag-o-ope­rate sa POGOs. Dalawang beses nang sinalakay ang mga POGO hub sa Las Piñas City subalit patuloy pa rin ang operasyon. Mga dayuhan ang na-rescue ng pulisya na nagsabing ni-recruit sila para magtra­baho sa POGO subalit puwersahan at hindi pinagkakaloob ang sahod na pinangako. Hindi lamang mga dayuhan ang na-rescue sa Las Piñas kundi maraming Pilipino.

Naghahatid ng pangamba ang mga nangyayaring krimen. Kung magiging mabagal ang PNP at hindi magsasagawa ng hakbang para mapigilan ang mga krimen, nasa panganib ang mamamayan. Triplehin ng PNP ang pagbabantay sa mga lugar na may mga nagaganap na krimen. Tutukan nila ang mga ito. Kung may mga pulis sa bisinidad, magdadalawang-isip ang mga kriminal. Gawin ito para mapanatag ang loob ng mamamayan.

CRIME RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with