^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat bang may magutom sa agrikultural na bansa?

Pang-masa
EDITORYAL - Dapat bang may magutom sa agrikultural na bansa?

NANG maging panauhing pandangal si Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa  ika-56 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Davao del Sur noong Sabado, sinabi niya na wawakasan na ang nararanasang kagutuman ng nakararaming mamamayan. Ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat nang paraan para ang mga nagdarahop na Pilipino ay hindi na makaranas ng gutom at magkaroon nang maayos na buhay.

Maaalala na noong Mayo 30, 2022, sa kanyang kauna-unahang talumpati makaraan ang inagurasyon sa National Museum sa Maynila, sinabi niya na ang susi sa pagkakaroon nang maraming pagkain ay ang mahusay na pagpatnubay sa agrikultura. Mahalaga ang papel ng agrikultura pero napapabayaan kaya nagkakaroon ng problema sa pagkain. Ipinangako niya na pauunlarin ang agrikultura at hindi aasa sa importasyon. Pinamunuan niya ang Department of Agriculture na hanggang ngayon, siya pa rin ang may hawak.

Noong Hulyo 25, 2022, sa kauna-unahan niyang State of the Nation Address (SONA), muli niyang binanggit ang may kaugnayan sa food sufficiency at ang pagtulong sa mga magsasaka para maparami ang ani. Kabilang aniya sa mga ipagkakaloob sa mga magsasaka ay ang tulong pinansiyal, abono, pestisidyo, mga punla, feeds, fuel subsidy at iba pang ayuda.

Palalawakin din daw ang mga palaisdaan, babuyan at manukan. Gagamitan ng siyensiya para tumaas ang produksyon. Gagawa rin ng national network ng farm-to-market roads upang mabilis na maihatid ng mga magsasaka ang kanilang mga ani at produkto sa mga pamilihan. Binanggit din niya ang muling pagbuhay ng Kadiwa Centers kung saan, makabibili ng murang pagkain.

Noon ngang Sabado, muli niyang inulit ang pagsisikap ng pamahalaan para mawakasan ang nararanasang kagutuman ng nakararaming Pilipino. Hindi raw siya titigil hangga’t hindi nalulutas ang problema sa kakapusan ng pagkain.

Habang paulit-ulit ang sinasabi niyang paggawa ng paraan sa problema ng pagkain, nagpapatuloy naman ang pag-angkat ng bansa hindi lamang ng bigas kundi pati na rin asukal, galunggong, sibuyas at iba pang agri products. Taliwas ito sa ipinangakong pagyayamanin ang sariling ani para madagdagan ang produksiyon.

Habang patuloy ang pag-angkat, dumadagsa naman ang mga smuggled agri products na lantarang nagdadaan sa bakuran ng Bureau of Customs. Mga smugglers at tiwali sa BOC ang nagpapasasa at ang gobyerno ay nadadaya.

Sa unang taon ni Marcos, isang magandang katanungan ay kung dapat bang may magutom sa bansang malawak ang lupain? Dapat bang ihain sa hapag ay mga pagkaing inangkat sa ibang bansa? Kailan kakain na nagmula sa sariling sakahan?

AGRIKULTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with