^

Punto Mo

Mga magsasaka sa Japan, nakaimbento ng prutas na kombinasyon ng lemon at melon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng mga magsasaka sa Hokkaido, Japan ang nakagawa ng bagong uri ng prutas na kasing tamis ng melon ngunit may kaunting asim ng lemon!

Ayon sa horticulture company na Suntory Flo­wers, limang taon nilang pinag-aralan at pinag-eksperimentuhan ang pina­kabagong prutas na kanilang inimbento, ang “Lemon Melon”.

Sa panayam sa spokesperson ng naturang kompanya, ang Lemon Melon ay nagmula sa isang variety ng imported melon. Sa pamamagitan ng paghalo ng lemon at mabusising experiment sa cultivation methods at harvesting time nito, nabuo nila ang pinakabagong prutas na ito. Ngayong 2023 ang pinakaunang pagkakataon na ibebenta ito sa publiko.

Sa mga supermarket sa Hokkaido, nagkakahalaga ito ng 3,218 Yen (katumbas ng P1,200) ang isang piraso ng Lemon Melon. Ayon sa mga nakatikim na nito, kasing lutong ng peras kapag bagong harvest ito. Balanse ang tamis at asim nito at bagay na bagay ngayong summer season sa Japan. Kapag hinog na hinog naman ito, kasing lambot nito ang pangkaraniwang melon. Mas nangingibabaw ang tamis nito at bahagya na lang ang asim.

Mahigit 3,800 Lemon Melon ang inaasahang maibebenta sa mga supermarket sa Sapporo sa darating na Agosto.

MAGSASAKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with