^

Punto Mo

Manang Rose (77)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Walang nakikitang tao si Gino. Bukas ang pintuan pero wala siyang nakikitang gumagalaw sa loob. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglalakad para mapagmasdang mabuti ang bahay.

Pero nakalampas na siya sa bahay ay wala pa rin siyang nakita. Nasaan ang mga kapatid ni Eliz? Bakit wala yatang tao?

Ipinasya ni Gino na bumalik. Dadaan muli siya sa bahay. Bakasakaling lumabas o may lumabas sa pinto.

Dahan-dahan siyang naglakad pabalik.

Eksaktong pagtapat niya sa bahay ay lumabas sa pinto ang kapatid ni Eliz na si Ella.

Nagkatitigan sila ni Ella. Nakilala siya.

Nagmamadaling lumabas si Ella.

“Kuya Gino?’’

“Ako nga. Bakit hindi kayo pumasok? Nasaan si Emmie? Nag-aalala si Ate Eliz mo?’’

“Maysakit si Emmie. Nilalagnat. Nasaan si Ate Eliz?’’

“Naroon siya sa kanto. Gusto kayong makita.’’

“Nasa bahay si Mama.’’

“Okey naman si Emmie.’’

“Oo. Okey naman siya sabihin mo kay Ate Eliz.’’

“Bukas papasok kayo?’’

“Baka ako lang Kuya Gino.’’

“Sige sasabihin ko kay Eliz.’’

Aalis na si Gino nang biglang lumabas ang mama ni Ella.

“Ella sinong kausap mo?’’

Kinabahan si Gino. Mabubuking na yata sila ni Eliz.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with