Tips na alam mo, pero nakalimutan mo lang!
• Kapag mag-aaplay ng sunscreen lotion sa katawan, diretsong ilagay ito sa mismong parte ng katawang nais mong lagyan. Mali ang ilagay muna ito sa palad tapos saka ipapahid ang lotion sa katawan. Karamihan sa lotion ay didikit lang sa palad.
• Huwag magsuot ng contact lens kapag sinisipon o masama ang pakiramdam. Gumamit ng salamin kapag may sakit. Natutuyo ang mata kapag maysakit at ang pagsuot ng contact lens ay maaaring pagmulan ng conjunctivitis.
• Makukuha mo ang lahat ng juice ng lemon kung paiinitan muna ito sa microwave ng 15 seconds.
• Mga 120 calories ang nasusunog sa pagtayo lang ng isang oras.
• Kapag may mahalagang tinatapos na trabaho, paligiran mo ang iyong sarili ng mga bagay na kulay dilaw. Makakatulong ito na magpokus ka sa iyong ginagawa at maiiwasang antukin.
• Mas mahaba ang paliwanag, mas malaki ang kasinungalingang nakapaloob dito.
• Ang isang dahilan ng pagtaba ay kakulangan sa tulog.
• Mas sasarap ang tinimplang hot milk kung lalagyan ng Nutella.
• Kung malala ang ubo, dumapa ka, sa paraang nakalapat sa higaan ang iyong tiyan.
• Ang epekto nang pag-inom ng tubig na hinaluan ng honey ay kagaya ng epekto nang pag-inom ng energy drink.
• Huwag mong ikakatwiran na nagkamali ka nang kaliwain mo ang iyong asawa. Nagtaksil ka dahil ginusto mo iyon. Cheating is a choice, not a mistake.
- Latest