^

Punto Mo

ATM card

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MGA 12:00 pa ng tanghali ang tapos ng klase ni Jay pero kailangan niyang umuwi ng mas maaga dahil sasama siyang maghatid sa airport sa kanyang Daddy na patungo sa U.S. Hindi sana siya papasok nang araw na iyon kaya lang ay may long quiz sa Algebra. Kumuha muna siya ng exam at saka nagpaalam sa kanyang adviser. Eksaktong 10:00 a.m. nang nagpapirma  siya ng permission slip sa kanilang principal bago umalis para iyon ang ipapakita niya sa guard na nakabantay sa gate. Si Manong Ernie ang naka-duty sa gate. Ka-vibes niya ang guard dahil dati silang magkapitbahay sa Project 7. Kaibigan niya ang mga anak nito.

Jay, puwede ba akong humingi ng pabor sa iyo ? 

Opo, basta kaya ko.

Absent ang guard na karelyebo ko ngayon, kaya mamayang gabi pa ako makakauwi. Puwede bang ibigay mo itong ATM card sa iyong Manang Rose? Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan kong maghatid niyan.

Si Manang Rose ay misis ni Manong Ernie. Noong bata pa si Jay at nagtatrabaho pa ang kanyang Mommy, si Manang Rose ang napapakiusapang maging temporary yaya niya kapag nilalayasan sila ng katulong. Sinulyapan ni Jay ang wall clock sa guard house, 10:15 a.m., may time para sumaglit sa Project 7. Naramdaman ni Jay ang “urgency” sa boses  ng dating kapitbahay. Hindi niya kayang tumanggi.

“Wala pong problema. Para na rin makumusta ko si Manang Rose.”

Pagdating sa tapat ng bahay ni Manong Ernie ay maraming tao dito. Nasulyapan niyang may nakaburol sa loob ng bahay. Pumasok siya at naabutang nag-iiyak si Manang Rose sa tabi ng kabaong. Namutla siya nang makita ang taong nakahimlay sa kabaong. Si Manong Ernie!

Kaninang 5:30 ng umaga biglaang namatay si Manong Ernie kaya wala pang nakakaalam sa school. Nang umagang iyon, bago dumating si Jay, ay nagkakagulo na ang mga anak  at si Manang Rose. Hinahanap nila ang ATM card sa mga gamit nito pero hindi nila makita. Inilagay muna sa banko ni Manong Ernie ang perang ni-loan sa Pag-Ibig para gamitin  sa pag-a-abroad ng anak. Kaya lang, nangyari ang di inaasahan kaya ang perang itinago sa banko ang gagamitin sa kanyang funeral service. Dinukot ni Jay ang ATM card sa bulsa at iniabot kay Rose. Ikinuwento niya kung anong oras siya inutusan ni Manong Ernie na dalhin ang ATM card sa kanilang bahay. Iyon pala ang eksaktong oras na nagkakagulo ang pamilya sa paghahanap ng nawawalang ATM card. Sa sobrang hiwaga ng mga pangyayari, hinimatay si Manang Rose.

ATM CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with