^

Punto Mo

Puwede bang ­mademanda ang ­co-maker?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ba akong mademanda as co-maker ng utang? Magkano po ang sisingilin sa akin kung buong utang po ay hindi nabayaran? —Mira

Dear Mira,

Oo, puwede kang singilin at mademanda kung hindi makabayad ang nangutang dahil ang silbi ng co-maker ay ang managot sa halagang hiniram sakaling hindi makabayad ang pangunahing nangutang.

Madalas, itinuturing na surety agreement ang isang kasunduan ukol sa pagiging co-maker. Kapag surety kasi, maaring habulin kaagad ang isang co-maker sa oras na hindi makapagbayad ang nangutang.

Maari rin namang guarantor lang ang co-maker, kung saan maari lamang siyang papanagutin sa utang kung wala nang kahit anong ari-arian ang umutang na maaring sumagot para sa halagang kanyang hiniram. Basahin mo na lang ang loan agreement na pinirmahan mo kung anong klaseng co-maker ka upang alam mo kung kailan ka maaring singilin.

Patungkol naman sa halaga, maari kang habulin para sa buong halaga kung wala talagang nabayaran sa inutang. Ang tanging pagkakaiba lang talaga na mahalaga ay kung kailan ka ma­aring singilin at ito nga ay depende kung isa kang surety o guarantor.

Kaya talagang hindi basta-basta ang pagpirma bilang co-maker dahil mapa-surety ka man o guarantor, tiyak na magkakaroon ka ng obligasyon managot sa utang ng iba kahit pa sabihin pang hindi ka naman nakinabang sa halagang hiniram.

CO-MAKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with