^

Punto Mo

Carousel

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

Kalilipat pa lang ng mag-asawang Hubert at Nina sa isang mumurahing lumang apartment sa Astoria, Queens, New York City. Hindi kalakihan ang suweldo ni Hubert. Si Nina naman ay tumigil pansamantala sa pagtatrabaho pagkatapos ipanganak si Esthee. Napansin niyang iyakin ang anak, lalo na sa gabi. Bunga nito, nangangalumata na siya sa puyat na dinaranas sa anak. Hindi naman siya makareklamo kay Hubert dahil dalawang trabaho ang nilalagare nito. Sa umaga ay pangkaraniwang office worker  sa real state company, sa gabi naman ay barista. Mga tatlong oras na lamang ang itinutulog nito.

Minsan, isang oras nang nag-iiyak si Esthee. Napapikit si Nina at nahiling na sana ay may makita siyang solusyon upang matanggal na ang pagiging iyakin ng anak. Tumitigil lang sandali pero iiyak ulit na may kasamang sigaw na hindi niya maintindihan. Naisip niyang ipasyal sa labas ang anak sakay ng kanyang stroller.

Lumakad sila hanggang kanto ng kalyeng kinaroroonan ng apartment na inuupahan nila. Pagsapit sa kanto, tumigil sa pag-iiyak si Esthee. May itinuturo ito habang nakangiti sa kanang bahagi nila. Luminga-linga si Nina pero wala siyang makitang bagay na makaka-attract sa isang sanggol. Sa hindi malamang dahilan, iniliko ni Nina pakanan ang stroller.

Pagkaraan ng ilang hakbang, may signage siyang nabasa : Toy Depot. Itinulak niya ang metal door na may nakasulat na: We’re Open. Halos lumuwa ang mata niya sa dami ng magagandang laruan na nakadispley.

Parang bumalik sa pagkabata si Nina. At himala nang mga himala, humahagikhik for the first time ang kanyang anak. Parang gusto nitong kumawala sa pagkakaupo sa stroller. Itinuturo nito ang carousel na ang circumference ay kasinglaki ng medium size na pinggan. May tatlo itong cute na kabayo.

Nakangiting lumapit ang isang mestisang matandang babae. Kinuha nito ang carousel sa shelf at inilapit kay Esthee. Buong giliw na kinuha ng matanda  ang munting kamay ni Esthee at ito ang pinapindot sa knob ng carousel upang umikot.

Sumisigaw sa tuwa si Esthee habang pinapanood ang tatlong kabayo na umiikot kasabay ng music. Kinukutuban si Nina na mahal ang laruan. Mga $10 lang ang laman ng kanyang bulsa.

“How much is this?”

Ipinakita ng matanda ang price tag sa tagiliran ng laruan: $3.

Sa sobrang mura ay nakapag-Tagalog si Nina, “Tatlong dolyares lang?”

Simula noon, malaki na ang ipinagbago ni Esthee. Hindi na siya iyakin. Lagi na lang siyang nakabungisngis. Pagkaraan ng isang buwan ay natanggal sa pagkakadikit ang isang kabayo kaya naisipan ulit ni Nina na pumunta sa Toy Depot. Baka may gamit sila upang maibalik sa puwesto ang kabayo. Nakailang ikot na silang mag-ina pero hindi makita ni Nina ang Toy Depot. Isang babae ang pinagtanungan niya kung nasaan ang Toy Depot.

“Nasunog na ang tindahan two years ago. Kasamang nasunog ang mag-asawang matanda at apo nitong baby girl.”

HUBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with