^

Punto Mo

Karahasan at loose firearms kailangang tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAS lalong  tututukan ng Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang operasyon laban sa mga loose firearms.

Nitong nakalipas na mga linggo, mukhang dumadale na naman ang mga kriminal at gamit ang mga kalat na hindi lisensiyadong baril.

Bukod nga dyan eh, umaarangkada na naman ang mga riding-in-tandem criminals. Ilang mga patayan na naman ang naitatala na sangkot ang mga ito.

Isa pa nga sa nakakaalarma dyan, eh nalalapit na ang pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ngayon pa lang nagsisimula na naman ang mga karahasan.

Noon lamang nakaraang linggo, isang barangay captain sa Bulacan ang inambus at napatay.

Kailangan talagang paigtingin ang operasyon laban sa mga kumakalat na armas na pinaniniwalaang nagagamit na rin ng ilang politiko para sa kanilang mga private army.

Nito ding nakaraang linggo isang mayor sa Batangas at dalawa nitong utol  ang nahulihan ng matataas na kalibre ng baril at meron pa ngang pampasabog.

Tiniyak nga  ni CIDG Director  BGen. Romeo Caramat na wala silang sisinuhin at sinumang lalabag sa batas ay kanilang pananagutin kahit na sino o ano pa man ang katayuan nito.

Sa datos ng PNP, mula Enero hanggang June 9, 2023 umabot na sa 12,373 na mga baril ang kanilang nakumpiska sa iba’t ibang panig ng bansa.

Libu-libo na sa loob lamang ng ilang buwang operasyon, pero lubhang marami pa rin ang nakakalat na dapat na matutukan nang husto para  sa peace and order sa kapuluan at mawala ang pangamba at takot muli ng ating mga kababayan.

 

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with