^

Punto Mo

Ugaling ‘Juan Tamad’, wakasan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang matatapos na ang masasayang araw ng mga likas na tamad o yaong naghihintay na lang ng ayudang bigay, dahil sa mga pamamaraan ngayong ikinakasa ng pamahalaan.

Mistulang nahirati kasi ang marami lalo na ang sinasabing mahihirap sa tulong na ibinibigay ng gobyerno kaya prenteng hinihintay na lang ito.

Hindi na kumikilos at ika nga bahala na si ‘batman’ may ayuda naman.

Sa isa pang programa ng gobyerno na ‘food stamp program’ na nakatakdang umarangkada sa susunod na mga linggo, eh talaga nga namang inaabangan na ng marami.

Malaki-laki ang ayudang ito.

Bagama’t hindi cash kundi P3K ‘food credit’ ang nakapaloob dito na ibibigay buwan-buwan.

Pero may ilang nadismaya, partikular ang mga ‘Juan tamad’, kasi isa sa kondisyon para manatiling benepisyaryo ng programa eh kailangang makitang naghahanap din sila ng trabaho o pagkakakitaan.

Tama nga naman!

Tutulungan ka, pero tulungan mo rin ang sarili mo, huwag asa nang asa.

Maging si Pangulong Bongbong Marcos ito ang nais dahil iniisip   umano ang kanyang administrasyon na liveliood packages sa halip na tulong pinansiyal ang ipagkaloob sa mga mahihirap na pamilya.

Ok na ok yan PBBM, talagang kailangan nga naman na kumilos at huwag umasa sa mistulang ‘limos’ o ayuda na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Ang ayuda hindi habang panahon, pero kung tuturuan sila na magkaroon ng trabaho o pagkakakitaan, pwede itong mas matagal na kapakinabangan.

Hindi nga bat may kasabihan sa Inglis na:

“Give a Man a Fish, and You Feed Him for a Day. Teach a Man To Fish, and You Feed Him for a Lifetime”.

O di ba? San kayo dyan, yung pansamantala o yung pangmatagalan.

Hindi dapat na palagi na lang nakabilang sa ‘poorest of the poor’. Dapat kahit unti-unti maiaangat ang buhay at hindi nananatiling nasa laylayan.

Hindi rin dapat idahilan na walang napag-aralan kaya walang makitang trabaho.

Marami rin naman na kulang sa edukasyon pero marunong dumiskarte ang nakaangat na sa buhay.

Makakamit ang ganito kung kumikilos o magsisikap humanap ng trabaho at hindi maghihintay na lang sa bigay ng gobyerno.

PAMAHALAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with