^

Punto Mo

Maskara

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

Pagkaraan ng limang taon pagiging magkasintahan, nagpasya sina Carmina at Dante na magpakasal. Tatlong araw bago ang kasalan, ipinagtapat ni Dante kay Carmina na umuurong na siya sa kanilang nalalapit na kasalan. Sabay na naki­pagrelasyon si Dante kina Carmina at Liza. Nang malaman ni Liza na ikakasal na si Dante, saka nito ipinagtapat na dalawang buwan na siyang buntis.

Patawarin mo ako Carmina. Mas mahal kita ngunit hindi ko maaatim na hindi panagutan ang responsibilidad ko kay Liza.

Pulos hagulgol lang ang naging katugunan ni Carmina. Mula sa iisang maliit na bayan sa Batangas sina Carmina at Dante kaya malaking eskandalo ang ginawang pag-urong ng huli sa kasal nila. Iyon ang naging simula ng paglayo ng pamilya ni Carmina sa pamilya ni Dante na dating sweet ang samahan. Pakiramdam ng parents ni Dante ay ipinahiya sila ng anak sa pamilya ni Carmina kaya isinumpa ng ina si Dante at itinakwil bilang anak.

Dahil sa katarantaduhan mo, para mo na rin sinira ang pangalan namin sa bayang ito. Huwag ka nang babalik dito hangga’t hindi napapatawad ng pamilya ni Carmina ang pamilya natin. Hindi ka rin mabubuhayan ng anak hangga’t hindi natutupad ang pagpapatawad sa puso ni Carmina.

Sa huwes nagpakasal sina Liza at Dante. Nag-tour ang mga bagong kasal sa New Zealand. Pumasok sila sa isang museum. Naakit ang mag-asawa sa isang nakadispley na maskara. Ito ay maskarang inukit sa bark ng punongkahoy. Ayon sa impormasyong nababasa sa harapan, ang maskara ay ginamit ng mga warriors ng Maori tribe ng New Zealand.

Pagdating sa hotel ay tila nauupos na nahiga si Liza. Maya-maya ay dumaing ito na masama ang pakiramdam. Isang linggo pa sana ang itatagal ng kanilang tour ngunit nagpasiya na silang bumalik sa Pilipinas. Magastos kung doon aabutin ng hospitalization si Liza. Pagbaba sa NAIA at dumiretso kaagad ang mag-asawa sa ospital dahil patuloy pa rin ang masamang pakiramdam ni Liza. Sa bungad pa lang ng ospital ay dinugo na ito kaya’t noon din ay niraspa si Liza. Ang sakit na ipinadama nila kay Carmina na wala namang kasalanan sa kanila, ay bigla nilang nadama, at mas masakit pa, sa pagkawala ng kanilang panganay sana.

Habang nakabantay si Dante sa asawa, noon lang niya naisipang buksan ang camera upang isa-isahin ang mga kuha nila sa New Zealand. Saka lang niya napansin na may warning na mababasa sa harapan ng maskara na buong katuwaang hinipo-hipo pa ni Liza. Bawal daw lumapit sa maskara ang mga babaeng may regla at buntis dahil nagtataglay ito ng sumpa mula sa kaluluwa ng dating may-ari ng maskara. Pinaniniwalaan na hindi hinihiwalayan ng kaluluwa ang maskarang kanyang ginamit sa pakikipaglaban. Ang sinumang humipo o lumapit ay minamalas sa buhay.

LIZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with