^

Punto Mo

50 parak ‘tinuluyan’ sa P6.7-B drug haul  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Aabot pala sa 50  aktibong pulis ang tuluyan nang sinam­pahan  ng mga kasong kriminal sa tanggapan ng Ombudsman.

Kaugnay ito sa makontrobersiyal na  P6.7 bilyong drug- bust noong Oktubre ng nagdaang taon.

Noong nakaraang Biyernes umano iniharap ng PNP at Napolcom ang mga kaso laban sa mga naturang pulis.

Ilan sa mga kasong ito ay ang paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o The Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; Revised Penal Code,  partikular sa Article 171 na may kinalaman sa Falsification, Article 183 sa Perjury, Article 184 sa False Testimony at Article 217 para sa Malversation of Public Property; at Presidential Decree No. 1829 o Obstruction of Justice.

Kabilang sa mga kinasuhan ang 12 police commissioned officers na noon pa man eh itinanggi na may naganap na cover-up sa naturang drug ops.

Iba pa umano ang kasong administratibo na kakaharapin ng mga ito.

Nabulabog ang buong PNP sa isyung ito, dahil nga sa umano’y mistulang ‘trial by publicity’ na nangyari.

Ayon sa DILG, ang pagsasampa ng kaso ay resulta sa isinagawang imbestigasyon ng Napolcom at ng Special Investigation Task Group (SITG) ng PNP kaugnay nga sa naganap na drug operation.

Maigi na rin siguro ang ganito para maipagtanggol na ng mga kinasuhan ang kanilang mga sarili sa korte.

Hindi nga ba’t dahil sa ganitong mga pahayag, eh talagang maraming pulis ang bumaba ang moral.

Sa mga pagdinig na lang sila magbaliktaktakan.

Doon lalabas ang katotohanan.

Yan ang tututukan ng inyong Responde.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with