^

Punto Mo

Kalawang ng gobyerno kinakaskas na nga ba?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BETERANO sa matinong panunungkulan ang mga pinili ni BBM para makatulong sa pagmamaneho ng gobyerno gaya nina DOF Sec. Benjamin Diokno, DND Sec. Gilberto Teodoro at DOH Sec. Ted Herbosa. Sila ay may malawak na kaalaman na sa mga departamentong hinahawakan. Matitino ba naman ang mga assistant nila? ‘Yun lang!

Nakaamba na rin daw ang pagsalida ng mga bagong pre­sidential appointees kabilang ang ilang retired military officers para sa mga juicy positions sa Bureau of Customs. May mga sisibakin diumanong district collectors na beterano rin sa pangingikil ng “tara”. Siguradong kilala ni Comm. Bien Rubio ‘yan! Eh ang ipapalit, di kaya mas magaling tumara? Hmmm!

Matindi ang ginawang paglalantad ni dating Sen. Ping Lacson sa smuggling operation at “tara” collection sa BOC noong 2019. Binalewala lang ito ng mga tarador dahil karamihan sa mga binanggit na pangalan ay alagad din ng mga notorious players at financiers ng mga “pulpolitiko” na audience pa ni Lacson, ha-ha-ha!

Nananatili pa rin sa posisyon nila ang mga opisyales na ibinulgar ni Lacson na naniningil diumano ng “tara”. Baka naman daw si Lacson lang ang walang alaga sa BOC kaya hindi siya kasali sa biyaya. Di nga kaya?

Bukod kasi sa militarized ay politicised din ang BOC at iba pang ahensiya ng gobyerno sa mahabang panahon. Kaya nahihirapan si DOF Sec. Diokno na linisin ang kalawang ng korapsyon sa bakuran nito lalo sa BOC at BIR.

Ang BOC at BIR examiners ang mitsa nang ikalalaki at ikalulugso ng koleksyon ng buwis. Sila rin ang kalawang na sisira sa bakal maliban na lang kung plastik ang mga bosing nila. Parte-parte sa tinitimbang walang labis, laging kulang? Ngek!

GILBERTO TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with