^

Punto Mo

685 Spider-man, nagsama-sama sa isang mall sa Malaysia para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Kasabay nang pagpapalabas ng bagong Spider-Man movie na “Spider-Man: Across The Spider-Verse” sa mga sinehan, inimbitahan ng Sony Pictures Malaysia ang mga fans ng naturang superhero na magsama-sama para sa isang world record breaking attempt event.

Noong Hunyo 3, dumalo sa paanyaya ang mga fans sa Aeon Mall Bukit Tinggi sa Klang, Selangor suot ang costume ng iba’t ibang version ni Spider-Man tulad nina Peter Parker, Miles Morales, Miguel O’Hara at Gwen Stacy.

Nagsimula ang record breaking attempt ng 4:00 p.m. sa pamumuno ng official Guinness adjudicator na si Kazuyoshi Kirimura. Upang mabilang ang dami ng mga dumalo, nakiusap ang mga opisyal ng Guinness na manatili sa isang puwesto ang mga Spider-Man sa loob ng limang minuto.

Pagsapit ng 4:40 p.m., kinumpirma ni Kirimura na napasakamay na ng Malaysia ang world record title na “Largest Gathering in Spider-Man Costume” matapos mabilang na 685 ang nakadalo sa event.

Ang previous record holder nito ay ang India kung saan nakapagtala ng 601 Spider-Man noong ­Disyembre 2021.

GUINNESS WORLD RECORD

SPIDERMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with