PNP officials na sangkot sa missing SRI, makukulong?
Makukulong kaya ang mga police officials na sangkot dito sa anomalya sa bilyones na missing Service Recognition Incentive (SRI) ng Philippine National Police? Kung si Interior Secretary Benhur Abalos ang masusunod, idedemanda niya ang mga police officials na sangkot dito sa kaso ng SRI kapag napatunayan na may kalokohan sa pag-release ng pondo.
Kasalukuyan kasing ipinabubusisi ni Abalos sa Commission on Audit ang pondo ng SRI at ilalabas ng COA ang kanilang findings sa buwan na ito. Eh di wow! “So let’s wait for that (COA report),” ang sabi ni Abalos sa press briefing sa Camp Aguinaldo. Hehehe! Tiyak natutuwa ang 227,604 PNP personnel at aksiyon agad si Abalos. Mismooooo!
Pinaimbestigahan din ni Abalos ang missing SRI funds kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., subalit minabuti niyang hintayin na lang ang report ng COA para walang conflict ang findings nila. “I’ve asked Gen. Acorda in a letter to look into this. So ‘yung report n’ya, it’s just a report kung anong ginawang imbestigasyon,” ani Abalos. “Pero ito lang. Ang pinaka-importante rito para walang conflict, will be the COA report,” ang dagdag pa ng Kalihim. Hehehe Sureball ang kulong ng mga sangkot sa SRI kapag na-ebidensiyahan sila. Anong sey n’yo mga kosa? Ambot sa kanding nga may bangs!
Ipinaliwanag ni Abalos na dahil tinamaan ng pandemya ang Pinas sa panahon ni Tatay Digong, para may konting incentive ang PNP, at iba pang trabahador ng gobyerno nagbigay ito ng P20,000 kada-personnel depende sa savings ng ahensiya. Ginaya ito ni President Bongbong Marcos sa taong 2022 kaya ang mga militar, bumbero at BJMP ay nakatanggap ng P17,000 minus tax. “So lumalabas sa pulis hindi ganun kalaki ang binigay. Kung hindi ako nagkakamali P7,000 lang? P4,000 lang? Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Weder-weder lang talaga.
“So may mga reklamo. So again may tanong, may savings ba?” ang tanong ni Abalos. “Pangalawa, is there mismanagement of the whole operation?
Ayon kay Abalos, mas madaling pasukin ng Napolcom ang kaso, “pero if there is someone who could really audit this matindi, ‘yan ang trabago ng COA.” Hehehe! Kaya’t mga kosa kong pulis antay-antay lang dahil kumikilos na si Mr. Totoo!
Walang kawala ang katotohanan sa SRI, ani Abalos dahil noong Mayor pa s’ya ng Mandaluyong City, lahat ng transaction n’ya ay may dokumento. “May mga report ‘yan. May tinatawag na disallowance ang ginastos mo, mali ‘yan. So dun mo makikita kung ‘yun bang pera na binigay sa kanila ay ginamit ng tama o mali,” ang paliwanag pa ni Abalos. Eh di wow!
“Ngayon kung ginamit ng tama (ang SRI) tapos talagang ganun lang kalaki, talagang ganun. Pero kung lumalabas na talagang may kalokohan, ‘yun madedemanda ‘yun,” ang dagdag pa ni Abalos. Araguuyyyyy!
Kapag nagkademandahan na, di ba SWAK sa kulungan ang mga sangkot sa SRI? Ewan ko ba? Hihihi! Ganun talaga ang buhay, di ba mga kosa? Abangan!
- Latest