^

Punto Mo

Ang bayaning aswang

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

Hindi orihinal na taga-San Nicolas si Aling Iska, isang baryo sa Laguna. Dayo lang siya roon dahil namasukan siyang katulong sa pamilya ng Recaredo. Noong tuluyan nang sinakop ng mga Hapones ang kanilang bayan, lumipat ang pamilya Recaredo sa probinsiya ni Mrs. Recaredo. Hindi nila isinama ang katulong na si Aling Iska kaya simula noon ay nanirahan na lang ito sa maliit na kubo na pag-aari ng dating amo.

Isang araw, nagkagulo sa lugar nina Aling Iska dahil biglang pinagdadampot ng mga sun­dalong Hapones ang lahat ng kalalakihan at ikinulong sa garrison. Bandang gabi, kanya-kanyang panaghuyan ang mga misis ng mga kalalakihang pinaghuhuli dahil ang lahat daw  ng mga ito ay nakatakdang i-firing squad kinabukasan sa plaza dahil may nagnguso na mga gerilya raw ang mga ito. Ang lahat ng ito ay nakarating sa kaalaman ni Aling Iska.

Kinabukasan, nagkagulo na naman sa nasabing lugar dahil nakatakas ang mga hinuli ng nagdaang araw. Ang nakapagtataka, walang humahabol sa kanilang mga Hapones. Ano ang nangyari?

Ito ang kuwento ng mga nakatakas: Noong gabi raw ay nag-inuman ng lambanog ang mga Hapones kaya lahat ay natumba sa sobrang kalasingan. Biglang may lumutang na ilang malala­king asong kulay itim. May nagsasabing lima raw ang nakita niya, may nagsasabi namang lampas daw sa lima. Pinagpapatay ng mga asong ito ang lahat ng Hapones. Sa kanilang pagtataka, lahat ng nasa kulungan ay hindi nila ginalaw.

Kaagad nagpasya ang mga tao na iabandona nila ang kanilang baryo dahil kapag nalaman ito ng iba pang sundalong Hapones ay sila naman ang gagantihan. Nang paalis na ang mga kapitbahay ni Aling Iska, napansin nilang hindi ito lumalabas ng bahay. Pinasok nila ang bahay at isang liham na lang ang kanilang natagpuan.

Sa una pa lang statement ni Aling Iska ay inamin niyang aswang siya. Kinalimutan na niya ang kanyang madilim na katauhan ngunit hindi niya matiis na muling balikan ang pagiging aswang upang iligtas ang mga kababaryo. Siya at mga kasamahan niyang mga aswang ang lumusob sa mga Hapones. Isang kasamahan niyang aswang umano ang gumagawa ng lambanog. Suki niya ang isang opisyal na sundalo at linggu-linggo ay nirarasyunan niya ito ng lambanog. Nilagyan nila ng pampatulog ang lambanog at iyon ang naging daan para malaya nilang nilapa ang lahat ng sundalo.

RECAREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with