^

Punto Mo

Japanese vlogger, kumain ng makamandag na dikya para dumami ang views sa youtube!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KONTROBERSIYAL ngayon ang isang vlogger sa Japan matapos itong kumain ng man-o-war jellyfish (dikya), ang isa sa pinakamakamandag na marine organism sa mundo!

Binabatikos ngayon ang sikat na Youtuber sa Japan na si “homosapi” dahil sa pagiging iresponsable nito sa pagluto at pagkain ng Portuguese man-o-war para lamang makagawa ng content at makarami ng views online.

Ang man-o-war ay madalas tawagin bilang jellyfish dahil sa anyo nito ngunit isa talaga itong marine hydrozoan. Kilala ang man-o-war sa malakas nitong kamandag na kayang pumatay ng ibang hayop pati ng tao.

Sa viral video, mapapanood na ipinaliwanag ni “homosapi” na gusto niyang makatikim ng man-o-war dahil nabalitaan niya na masarap ang sabaw nito kapag pinakuluan.

Kasama ang kanyang kaibigan, dumayo sila sa isang beach kung saan kilalang inaanod sa dalampasigan nito ang mga man-o-war. Matapos makahuli ng ilang dosena nito, hinugasan nila itong mabuti at saka pinakuluan sa kaldero.

Naging mala-gulaman ang mga man-o-war nang matunaw ito sa ilang minuto na pagpapakulo. Para maging malasa dinagdagan nila ito ng gulay, soysauce at betsin. Nasarapan si “homosapi” sa kanyang niluto at ikinumpara niya ang lasa nito sa scallops.

Nakapagtala ng 3.5 million views ang video sa loob lamang ng siyam na araw matapos i-upload sa Youtube.

Dahil sa milyun-milyong views nito, maraming marine life experts ang nabahala at nagbigay babala sa publiko na hindi dapat tularan si “homosapi”. Ayon sa mga ito, posibleng maalis ang lason sa mga man-o-war kapag nilutong mabuti ngunit kapag kulang sa init at oras ang pagpapakulo, maaaring mamatay ang kumain nito.

Delikado ring malanghap ang lason ng man-o-war mula sa steam ng kaldero habang pinakukuluan ito. Maaaring maging dahilan ito ng allergy at hirap sa paghinga.

Sa kasalukuyan, walang naging masamang epekto sa katawan na naranasan si “homosapi” at ang kanyang mga kaibigan na kasama niyang kumain ng jellyfish.

JELLYFISH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with