^

Punto Mo

High school sa U.S., hindi natuloy ang graduation dahil 5 lang ang nakapasang estudyante!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG high school sa Texas, U.S.A. ang ipinagpaliban muna ang kanilang graduation ceremony matapos hindi pumasa ang karamihan sa kanilang grade 12 students!

Sa 33 grade 12 students ng Marlin High School sa Marlin­, Falls County, Texas, lima lamang sa mga ito ang nakatanggap ng pasadong marka para makapagtapos ng high school.

Sa statement na nilabas sa Facebook ng superintendent ng paaralan na si Darryl Henson, sinabi nito na postponed pansamantala ang graduation ceremony ng kanilang paaralan dahil 85% ng kanilang grade 12 students ay mabababa ang grades at kulang-kulang ang attendance sa kanilang mga klase.

Ire-reschedule nila ang graduation ceremony sa June para magkaroon ng sapat na oras ang ilan sa kanilang estud­yante na makahabol sa pagpapasa ng school requirements para maging kuwalipikado na tumanggap ng diploma.

Isa sa nakitang dahilan ng mga school officials sa pangyayaring ito ay ang madalas na pag-absent ng mga estud­yante sa kanilang mga klase. Upang tugunan ang problemang ito, gagawin nilang apat na araw na lang ang pasok sa isang linggo.

Umaasa ang mga opisyal ng paaralan­ na maging leksiyon sa kanilang lahat­ lalo na sa mga mas nakababatang batch ang nangyari sa school year na ito upang hindi na maulit ang napakababang gra­dua­tion rate ng kanilang paaralan.

GRADUATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with