^

Punto Mo

High-tech na maging ang pagpapalimos

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nag-viral at naging tampok sa mga usapan ang umano’y pagiging high-tech na ng mga namamalimos sa lansangan.

Aba’y talaga namang wala nang lusot ngayon ang mga hini­hingan na ang ikinakatwiran sa mga nangangalabit na nanghihingi eh wala silang barya.

May dala na ang mga ito na naka-imprentang QR code na ipinakikita sa kanilang hinihingan. Mistulang uutusan ka pa na doon mo na lang ilagay ang iyong ibibigay.

Ang tindi hindi ba?

Iyan ang naitalang pangyayari nang panlilimos sa isang netizen sa Sampaloc, Maynila na nang sabihin nga niya sa mga bata na wala siyang barya, kung saan nilabasan siya ng nakaimprentang QR code.

Bineripika pa sa dalang cellphone kung pumasok na ang ipinadalang limos.

Aba at sosyal pa ng mga ito, nagpapalimos pero may cellphone.

Lalo umanong lumaki ang paniwala na may grupo ng sindikato na nasa likod ng ilang nanlilimos sa lansangan.

Ang ganitong modus, eh hindi manggagaling o maiisip ng mga bata kundi ng mga bihasang kawatan na humahawak sa kanila.

Matagal na rin napaulat na, talagang may mga sasakyan na nagbababa sa umaga sa mga palaboy na bata o matanda sa isang lugar at doon ito ginagamit sa panlilimos at saka susunduin uli sa gabi.

Dapat itong masilip ng mga kinauukulan, lalo na nga at nakapagtataka ang pagdami ng mga nagpapalimos sa lasangan.

Malaking panganib din ang posibleng dulot nito hindi lang sa mga bata na kadalasang hinahabol o sumasabit pa nga sa mga sasakyan makapang-’budol’ lang.

Maging sa mga motorista na madalas sila pa ang umiiwas sa mga nagkalat na namamalimos sa mga kalye na baka makadisgrasya.

Nagbabala na ukol ang dito National Anti-Poverty Commission (NAPC) na naniniwalang sindikato ang nasa likod ng ganitong modus.

Base sa tala, noon lamang 2021 ng poverty rate sa bansa ay nasa 18.1% o isa sa limang Pilipino ay mahirap.

Nitong 2022, naitala na umaabot sa 4.4 milyong pamilya o households ang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2022.

Marami nang nailunsad na programa ang gobyerno para sa mga tinaguriang ‘poorest of the poor’ sa bansa, pero patuloy pa rin ang umano ang paglobo ng mga nasa ganitong sektor.

May ilan pa nga hindi pa nakakasama sa mga listahan sa kabila ng kanilang matinding kahirapan at may ilan naman na hindi maintidihan kung bakit nasasama sa ayuda kahit may maayos namang pinagkakakitaan.

Sa huli, bagamat umaaksyon ang gobyerno para matulungan ang mga mahihirap sa lipunan, ang ‘talo-inis’ lang sa ilan eh hindi na nagpupursigi at umaasa na lamang sa ayuda.

Walang pinag-iba sa ilang nanlilimos, sa katawan pa lamang makikita namang may kakayahang maghanap ng trabaho para matulungan ang kanilang sarili, pero mas nais manghingi nang manghingi, tamad kasi.

QR CODE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with